Chapter 13

6.8K 137 12
                                    

CHAPTER 13 - Jeju Island Part II

Jaehee's POV

Naramdaman ko agad ang sakit ng ulo ko pagkamulat na pagkamulat ko. Pero agad ring napawi iyon ng makita ko kung sino ang nasa tabi ko yakap-yakap ako.

Pinagmasdan ko ang tulog niyang mukha. Gwapo siya. Matangos ang ilong at napakasarap halikan ang mga labi. Bigla ko nalang namalayan na hinahaplos-haplos ko na pala ang pisngi niyang malambot. Hayyyyyyy. *mental slap* Hindi pwedeng mahulog ulit ang loob mo sa kanya, Jaehee. Sasaktan ka lang ulit niya!

Kahit gustong-gusto ko pang humiga doon at matulog ulit sa tabi niya, sumiksik sa katawan niya dahil ramdam kong safe ako pag malapit ako sa kanya, hindi pwede. Pinigilan ko ang sarili ko at bumangon ako ng kama. Ramdam ko pa rin na parang pinupukpok ng sampung martilyo ang ulo ko.

Dumeretso ako sa CR at naligo. Habang naliligo ay kung ano-anong bagay ang naglalaro sa isip ko. Alam niyo ba kung bakit bigla akong pumayag na magpunta dito sa Jeju?

FLASHBACK...

Umakyat ako sa kwarto at nagkulong. Nabadtrip ako. Talagang gusto ulit nila Dad na mapalapit ako ulit kay Taejoon, ngayon binabalak nila na mag-Jeju kami. Hello? A-Y-O-K-O.

Tinawagan ko si Eungyeol. Hindi kasi nagpaparamdam ang loko ano naman na kayang nangyari sa kanya. Inilabas ko ang S4 mula sa bulsa ko at dinial ang numero ng bestfriend ko...

(Low?)

"Cha Eungyeol!"

(Hmm?)

"Nasaan ka? Badtrip ako ngayon. Gala tayo."

(Nasa Jeju ako ngayon.)

"Ha?! Anong ginagawa mo dyan?"

(Binibisita ang business namin.)

"ANG BUSINESS!" napasigaw ako.

(Oo nga pala!)

Ngumiti ako. Mukhang sakto ito sa plano ni Dad.

"Pupunta ako dyan."

(Ha? Agad-agad?!)

"Ipakita mo sa akin ang business niyo! Di ba matagal mo nang sinasabi yan? Please Eungyeol, I need a business as soon as possible. Alam mo naman na kailangan ko ito kung sakaling... Alam mo na."

(Kung sakaling hindi matuloy ang kasal ninyo ng ex mo at itakwil ka ng mga magulang mo?)

"Hindi talaga matutuloy ang kasal. Hindi ako papayag."

Marrying My Ex [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon