Chapter 20

6.3K 129 15
                                    

CHAPTER 20 - Fail

Taejoon’s POV

Pagbaba ko ng roof top, nganga na naman. Paano ba naman, natanaw ko ang dalawang taong masayang nagkwekwentuhan sa field.

Nakabalik na pala si Eungyeol…

Pinagmasdan ko lang silang dalawa doon. Kung hindi ko sila kilala, iisipin kong may something na namamagitan sa kanilang dalawa. Kahit sinabi ni Jaehee noon na joke lang yung sinabi niya sa akin sa Jeju Island, hindi ko pa rin mapigilan na isiping may gusto sa kanya si Eungyeol. At ganun din siya.

“Ang saya nila tingnan noh?”

Boses palang, alam kong si Hanna yun.

“Oo nga eh.” Tapos tumingin ako sa kanya. “Bumalik na pala kayo. Kamusta naman? Ang honeymoon?”

Tumawa siya. “Honeymoon ba yun? More like… business stuffs ang hinarap namin eh.” Then she smiled bitterly.

I pat her shoulder.

“He told me that he doesn’t like me.” Nakatingin lang siya sa field, sa lalaking mahal niya at sa babaeng mahal ko.

“…and that the girl he likes is Jaehee.”

“A-ano? Gusto ni Eungyeol si Jaehee?” gulat kong tanong. Ang sabi ni Jaehee, joke lang yun! Nagsisinungaling ba siya?

“O-oo. Alam ko namang hindi niya ako gusto at napilitan lang siya sa kasal namin but he doesn’t need to rub it in. Hindi naman ako tanga.” Naaawa ako kay Hanna ngayon. She must really love Eungyeol. Relate na relate ako sa kanya!

“Mahal mo talaga si Eungyeol noh?” I asked. She blushed.

“Tae naman Taejoon! Wala akong pinagsabihan ng bagay na yan, bakit alam mo?!” natatawang sabi niya.

“Halata naman sa iyo eh.” Tapos tumawa ako. “Kailan mo pa ba kilala yang Eungyeol na yan?”

“Matagal na noh! After kong magkagusto sa iyo, nagkakilala kami. Ay hindi pala, kasi hindi naman niya ako kilala.” Kwento niya. “Nakapanood ako ng soccer match nila, at na-amaze ako sa kanya. Inalam ko kung sino siya tapos nalaman ko pa na may-ari ang pamilya nila ng hotels sa Jeju, parang kami. Kaya lalo akong naging interesado sa kanya hanggang sa isang araw, narealize kong gusto ko na siya. Mahal na pala. Tapos heto, kasal na ako sa kanya pero iba ang gusto niya.”

Marrying My Ex [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon