Epilogue

10.7K 236 77
                                    

As promised, heto na ang Epilogue ng Marrying My Ex. Maraming salamat sa suporta! Nakatapos na naman ako ng isang libro. I love you all!

———

EPILOGUE

"Taejoon, we're home." Shinake ni Mommy ang balikat ko. Nandito na nga kami sa tapat ng bahay. Sobrang napagod kasi ako. After ng competition, walang katapusang press con at party. Hanggang sa eroplano at pagbaba - ang daming kumakausap, nagiinterview, ayun wala tuloy akong tulog.

Sa sasakyan pauwi lang ako nakatulog. Feeling na pag-upo ko, tulog agad.

"Doon ka nalang magpahinga sa kwarto mo." sabi ni Mom.

"Bakit hindi doon sa bahay namin ni Jaehee? Baka nandoon si Jaehee!" sagot ko.

"Basta, pumasok ka na muna. Mamaya ka nalang pumunta doon. Dito ka muna." sabi ni Mom. Syempre, sumunod ako. Medyo badtrip, kasi wala si Jaehee sa mga sumundo sa airport kanina. Bumaba ako at bangag na naglakad papasok sa bahay, sina Mommy at ang mga katulong na kasi ang nagbaba ng mga bagahe.

Pero pagpasok ko sa bahay, nawala ang antok ko...

May isang babaeng nakangiti na parang kanina pa naghihintay at nakaupo sa sofa. Nakatitig siya sa akin saka siya tumayo. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang ganda! Tangina. Kapag nakikita niyo siya ngayon, maiinlove kayo kahit mga babae kayo!

Perfect!

Babaeng-babae.

Huminga ako ng malalim. At tumakbo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit, bahagya siyang tumili saka siya tumawa at niyakap din ako.

"Matagal ka na palang nandito, bakit hindi ka nagpakita? Alam mo bang alalang-alala ako sa iyo! Hindi mo alam kung gaano kita na-miss. Halos mabaliw ako!"

"Sorry..." Kumalas siya sa yakap pero nakahawak pa rin ako sa baywang niya at siya naman, nakakapit pa rin sa balikat ko. "...may importante lang akong inasikaso eh."

"Mas importante sa akin?" tapos nag-pout ako.

Kinagat niya ang labi niya at yumuko.

Binitawan ko siya at tinalikuran siya. "Don't tell me, m-may iba ka na?"

Tumawa naman siya at niyakap ako mula sa likuran. Bigla namang pumasok sila Mommy dala ang mga gamit namin, agad naman siyang ngumiti nang makita kami. Bakit parang hindi sila nagulat dahil nandito si Jaehee? Nilagpasan lang nila kami at nagdirediretso sa taas.

"Wala akong iba. Ano ka ba! Ikaw lang kaya ang love ko..." sabi niya, pero hindi pa ako umimik. Pakipot muna. WAHAHA.

"Taejoon~~" Umikot siya at lumipat sa harap ko, pokerface pa rin pero ako at hindi ko siya tinitingnan. "Wala akong iba. May important matter lang talaga akong kailangang ayusin sa kumpanya namin. Kaya yun..."

Tiningnan ko ang naka-pout niyang lips. Pigilan niyo ko! Hahalikan ko na ito!

SHEET! Wag niyo na pala akong pigilan!

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. "Oo na, naniniwala naman ako. Nakakatampo lang kasi hindi ka man lang nagtext kahit minsan."

"Eh kasi Taej—-"

Hindi ko na siya pinatapos. Inilapat ko ang labi ko sa labi niya. Isang mabilis na kiss lang, baka kasi may makakita eh. Agad akong bumitaw at ngumisi lang, siya naman natulala. Cute.

"Ehem..." Biglang bumaba si Mommy mula sa taas. "Kala niyo, di ko yun nakita? Nakita ko! Kayong mga bata kayo talaga oh."

Namula naman si Jaehee at pinagpawisan ako. Nakita ni Mom? Eh mabilis na kiss nga lang yun eh, nakita pa? Ninja ata itong si Mommy.

Marrying My Ex [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon