Babysit ~ Fifty

104K 1K 49
                                    

Mga 45 minutes din ang biyahe, ang traffic kasi eh. Sabay kaming lumabas ni Hannah sa kotse. Hindi naman masyadong mahirap hanapin tong private bar na to.

Nung papasok na kami sa loob, hinarang kami ng bouncer.

"Miss, hindi po kayo pwede dito. May nag re-rent po ng bar. Dun na lang po kayo sa kabila."

"Hindi kuya, wait lang. May kailangan lang akong makausap diyan sa loob."

"Hindi po talaga pwede." Tumingin sakin si Hannah. Nung una hindi ko siya maintindihan. Pero bigla niya kong kinindatan.

Ipinulupot ni Hannah yung braso niya sa leeg nung bouncer, iniikot niya yung bouncer patalikod sakin.

"Dali na kuya, pagbigyan mo na kami." Isinenyas ni Hannah yung kamay niya na pumasok na ko sa loob. Kaya yun ang ginawa ko. Nang makapasok ako dun, maingay at malanding tugtugan agad ang bumungad sakin. Hinanap agad ng mata ko si Hanzen. Mga sampu mahigit siguro ang mga lalaki na nandun, may mga babae na halos naka bikini na ang suot suot, may cowboy hat pang suot. Sumasayaw pa yung iba, yung iba naman, nag iinom sa mga table kasama ng mga lalaki.

Nahagip ng mata ko yung isang babae na lumilingkis sa isang lalaki pero tinutulak lang din siya. Pero tuloy pa din yung babae. Nung natamaan sila ng LED lights, nakilala ko yung lalaki, kaya nilapitan ko sila.

"Miss ko kung hindi mo bibitawan yang asawa ko, bibitayin kita." Naagaw ko yung atensyon ng ibang nandun na malapit sa kinatatayuan ko. Kaya nawala agad yung music. Gulat na napatingin sakin yung babae, pero mas gulat si Hanzen. Napangiti na lang ako sa reaksiyon niya. Tumayo si Hanzen kaya tumayo na din yung babae at umalis.

Nung yayakapin ako ni Hanzen, nabatukan ko siya.

"Aray!! What was that for?"

 

"Umalis lang ako, nagawa mo ng mag party. Nagpapalandi ka pa sa mga makakati!!"

"C-ciara... s-sorry... k-kasi--" Hindi ko na pinatapos na magsalita si Hanzen, hinalikan ko na agad siya. Ang sabi ko, pagnakita ko siya, yakap ang una long gagawin sa kanya, pero binatukan ko siya. Kaya halik na lang.

"NICE ONE HANZEN!!" Narinig ko ang sigaw ni Jake, pumalakpak pa siya kaya nagpalakpakan na din yung iba. Mahina kong naitulak si Hanzen dahil sa hiya ko.

His BABYsitter (Complete)Where stories live. Discover now