Five

189K 1.9K 60
                                    

Nagising ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko sa tiyan ko. Pagtingin ko sa tabi ko, si Sir Hanzen pala. Tangina! Biglang Nag flashback sakin lahat ng nangyari kagabi. Dapat pag gising niya nakaalis na ko. Ano pang mukha ang maihaharap ko?

Dahan dahan kong tinanggal ang braso niya sa tiyan ko. Nagmadali akong mag shower at kinuha lahat ng gamit ko, buti na lang kokonti lang. 5 am pa lang, kaya malamang tulog pa sila Manang Celia. Kailangan kong makaalis agad dito.

Nung makalabas ako sa gate nila, saktong may dumaan na taxi kaya sumakay na ko dun. Siguro naman wala pang nangungupahan sa dati kong pangit na apartment. Dun muna ulit ako.

Mag si-seven na nung makarating ako sa apartment. Good thing, pumayag agad yung may ari. Siguro maghahanap na lang ako ng ibang mapagta-trabahuhan. Ngayon nag sisisi ako kung bakit nangyari yung nangyari kagabi. Hindi ko pa naman ganon kakilala si Hanzen. Ano ng mangyayari sakin nito? Hayss, baka isipin nun, inakit ko siya. Hindi ko naman alam na nahulog na pala yung towel. Sa sobrang gwapo niya, pati towel nahihimatay.

Dahil siguro sa pagod, inaantok pa ko. Kaya nahiga muna ko sa kama. Nagii-inat, pero wrong move, dahil ang sakit pa din.

Nagising ako dahil sa paulit ulit na katok sa pinto ko. Nung tinignan ko yung cellphone ko. 11:30?? Mahaba din pala ang tulog ko.

Sino naman ang kumakatok na yun? Ang alam naman ata ng ilan na bakante na ulit tong apartment na to. Tinignan ko na lang yung sarili ko sa salamin. Baka mamaya may tuyong laway, nakakahiya naman sa haharapin ko.

Nagpunta na ko ng pinto at pagbukas ko...

"Bakit ka umalis?" Bungad sakin ni Sir Hanzen.

"S-sir! W-wala po akong kinuha sa bahay nyo. Di po ako sindikato, wag po kayong mag alala, di na po ako mag papakita sa inyo. Wala po akong balak na guluhin kayo. Baka po isipin nyo na inak--"

"Mommy! You left me." Medyo nabubulol pang sabi ni Reese na lumabas galing sa likod ni Sir Hanzen. Yumuko pa ko, para pantayan siya.

"Baby, something came up kasi eh." Tapus nalungkot yung mukha niya.

"Let's go home na. İt's diffelent kasi pag you ang timpla ng milk ko." Three years old ba talaga tong batang to? Medyo bulol pa siyang mag salita, yung R nya L, pero ang daldal, juskooo, para kaming nag e-alien language minsan. Di ko maintindihan eh.

"Eh k-kasi." Tapus napatingin ako kay Sir Hanzen.

"İf you're having a second thought because of what happened last night, let's forget about it." Forget?? tengenenye! VİRGİNİTY ko ang nawala. FORGET ABOUT İT PA? Okay, İ'm responsible naman for that. Pero FORGET? Pakshet!!Napailing na lang ako.

"No."

"You don't love me na ba?" Pero kung gaganituhin ako ni Reese, malabo. Shettengene naman oh!

"Of course baby, İ do love you. Di ba nga sabi mo, ikaw muna ang baby ko?"

"Then what al we waiting fol? Home na, want some milk eh." Reese naman, paano na to? Ang AWKWARD kaya.

"İ'll double your salary. But, i'll give it to you every 40 days." Hmm! not bad. Mwahahaha, para na rin akong nag o-office nito. 40k per 40 days? Ayos na din.

"Hmm. Basta yung kalahati kada 20 days din. Masyado kasing matagal yung 40 days." Aba, dapat nya kong pagbigyan. Nag enjoy naman siya sa katawan ko.

"Okay." Ayos.

"Mommy, tala na!" Pumasok na lang ako sa loob at kinuha ulit yung bag ko.

Pagsakay namin sa kotse niya. Ang awkward. Syempre. Haysss, nagsisisi na talaga ko. Dapat nagwawala ako ngayon dahil wala na sakin ang pinagkakaingatan ng isang babae. Pero hindi naman ako lasing kagabi, hindi rin naman ako ni-rape. Nalasing lang naman ako sa halik niya. Naadik sa mga hawak niya, at nag-init sa... Nag blush ako nang maalala ko ang nangyari kagabi. Tapus napansin kong nakatingin sakin si Sir sa mirror. Kaya kinausap ko na lang si Reese.

"Baby, sinong nagtimpla ng milk mo?" Tapus binaling niya yung tingin niya sakin, at binitawan yung barbie na hawak niya.

"Si daddy. Panget ng lasa nga eh!" Gusto ko sanang matawa, kaso nakakahiya. Paano ba naman kasi, siya ang nagturo sakin ng tamang timpla ng milk ni Reese. Isa pa, parepareho naman ang lasa nun. O kaya baka naman inuuto lang ako ng bubwit na to.

"Eh si daddy din ba ang nagpaligo sayo?" Umiling lang siya.

"Si Yaya Lenks. Ayaw kasi daddy igamit sakin yung favolite kong soap."

"Don't worry, ako na ulit papaligo sa'yo."

"Yeheyyy!!! Daddy let's go to the pak."

"Anu yun baby?" Opo, di sila nagkakaintindihan minsan. Bulol nga po si Reese, kaya kailangan i-alien language siya.

"Sa pak. Yung may cotton candies and swings."

"Ah! Dad--este Sir, sa park po ata ang tinutukoy ni Reese."

"Yes! Sa pak!"

Tumango lang si Sir Hanzen. Minsan may pag ka moody din ang isang ito. Minsan mabait. Minsan masungit, minsan palangiti, minsan seryoso. Ang hirap kuhanin ng ugali. Tsk!

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon