*Thirteen*

155K 1.4K 54
                                    

Pagkatapos namin mag meryenda, naupo lang kami dito nila Sir Hanzen sa may seashore. Mag aabang ng sunset. Si Reese naman, busy sa pagtatakip ng buhangin ng paa niya. Siguro pag totoo ng family mas masaya. Masaya naman akong kasama sila Sir Hanzen at Reese, family na din naman ang turing ko sa kanila, pero ok sana kung sakin talaga. Pwede naman na ikasal ako kay Sir Hanzen.

Kasal?? Ready na ba ko? Wala naman yun sa plano ko after graduation. Hindi pa talaga ko handa. Hindi ko pa kayang gawin yung ginagawa ni mommy na kahit na may mga katulong. Hands on talaga siya sa pagiging asawa at ina. Isa pa, bakit ko naman po-problemahin ang pag papakasal ko kay Sir Hanzen, eh kung ako nga na hindi sigurado sa nararamdaman ko sa kanya, siya pa kaya na wala namang sinasabi sakin tungkol sa feelings niya for me.

Ayoko naman siyang tanungin. Baka sabihin niya kasi inaakit ko siya unti unti, neknek niya, eh kusa siyang naaakit sa alindog ko.

"Ang ganda no?" Tanong ko sa kanya, more like sabi pala habang nakatingin ako sa may dagat na medyo nag ko-color orange na. San kaya yung resort ni Mother Ricky Reyes? Yung Golden Sunset, maganda ata dun eh. Mas maganda siguro dun yung sunset.

"Sobrang ganda!" Mahinang sabi ni Sir Hanzen, napatingin ako sa kanya, na sakin pala siya nakatitig. Sino ba ang maganda? Ako or yung sunset? Nag iwas na lang din ako ng tingin. Baka sunggaban ko siya sa ilalim ng sunset eh.

"Have you been inlove?" Tanong sakin ni Sir Hanzen na parang naging bright idea ko. Kasi nga diba, hindi ako sure sa nararamdaman ko sa kanya. Pero nung tinanong niya yun. Gusto kong sumigaw ng...

"Yes. You--I mean, have you been in love too?"

"I don't know. Maybe!" Tapus tumingin siya sakin ng makahulugan. Ibig sabihin, wala ako sa puso niya. Gabutil na nga lang ng buhangin yung pagasa ko, nilipad pa.

Speechless na lang ang drama ko. Mamaya pupunta ako sa bar na natanaw ko sa bandang dulo. May possibility kaya na ma-inlove sakin tong gwapong nilalang sa kanan ko. Hayyy, napasubsob na lang ako sa tuhod ko. Maganda naman ako. Di bale, maraming nakapagsabi sakin na marami din daw albularyo dito sa Batangas. Hihingi ako ng gayuma ni Abra, baka sakaling tumalab kay Sir Hanzen.

Pero pag nangyari yun, baka maumpog siya at matauhan, baka naman ako ang iumpog niya at di man lang namin naikalat ang magandang lahi dahil mamamatay din ako. Tsk! What to do? Seduce him? Ay. Napiling na lang ako ng sobra sobra.

"Are you okay, Ciara? Parang ang lalim ng iniisip mo?"

"Mas malalim pa sa pagkahumaling ko sa'yo!" Bulong ko.

"Huh?? May sinasabi ka ba?"

 "Ah, wala. Nagdadasal lang ako na sana tamaan ka."

 "Tamaan ng ano?"

"Tamaan ka sakin. I MEAN, TAMAAN KA NG KASWERTAHAN KO! HE-HE!" Lutang nanaman po ako, juskoo, wag niyo na kong idikit kay Sir Hanzen, kasi naman para siyang rugby na kada sinisinghot, nakakaadik.

"You know what, you're titillating." Anu daw? TITIllating--este TITILLATING? Enebeyen!! Hihi! Nginitian ko na lang siya ng pa-demure.

"S-sir, may girlfriend po ba kayo?"

"Bakit mo naman natanong?" Bakit nga ba? Kusang inilabas sa bibig ko eh, pwede bang reason yun?

"Hmm, wala naman po sigurong masama kung magtanong ako sa inyo. Gaya ng pag tatanong niyo sakin kung na-inlove na ko." Then he chuckled, so sexy, so hot. Makapunit panty yung mga tawa niya. He has a perfect set of white teeth. Red lips na natikman ko na, hindi pala, nanguya ko na. Na sipsip ko na din, pero parang ang pangit ng term.

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon