Babysit ~ Twenty Eight

118K 1K 28
                                    

  

"May sayad ata talaga yung babaeng yun." Sabi ni Nina, pagkakwento ko sa kanya lahat... as in lahat. "Hay naku!! Paano nga kung may possibility na mahal pa ni Hanzen si Xienna?" Kumirot ang dibdib ko sa sinabi ni Nina. "Pero hindi pa naman natin alam ang totoo, Ciara."

"Eh pano nga kung totoo?"

  

"Ikaw kasi, binalaan na kita. It's complicated. Ayan! Ayan na nga sinasabi sa hula." Napalakas ang boses ni Nina, dahilan para gumalaw si Riley na natutulog sa lap ko. 

  

"Eh nagmahal lang naman ako."

  

"Hay! Pero malay mo naman, talagang nakalimot na yung tao. Malay mo, ikaw naman NA talaga ang mahal niya? Dapat kasi ni-confront mo yung tao."

  

"Gusto ko, kusa niyang sasabihin sakin."

  

"Eh pano kung ayaw niyang ipaalam sa'yo?"

"Ibig sabihin, may feelings pa nga siya sa Xienna na yun? Kasi nag lilihim siya eh!!"

"Ciara, hindi naman sa ganun. Dapat kasi, pinag explain mo siya. Ikaw na rin ang nagsabi, hindi mo naabutan, hindi mo narinig lahat, at hindi mo nakita lahat."

"Eh anu pang ibig sabihin nun? Na nag da-drama lang si Hanzen? Na bitter pa din siya?"

"Hindi ako ang makakasagot niyan Ciara. Aminin mo sa kanya na nakita mo yung scene na yun, walang dagdag-bawas. Hear his side. Listen to him, Ciara, because that's what mature people do." 

"Masisisi mo ba ko kung bakit ako ganito? Eh baguhan lang naman ako sa mundo ng pakikipagrelasyon."

"Ciara, once you get there, you should know how to do and act the word matured, not the meaning. Lahat naman ng tao nag sisimula sa pagiging 'baguhan'. Nasa kanila na yun kung pano nila iha-handle. Kaya pag usapan niyo yan Ciara. Ilang buwan pa lang kayo, susuko na agad?"

"Pagbalik ko. Mag uusap kami. Sa ngayon, hahayaan ko muna siyang mag isip."

"Sige na, magpahinga na kayo. Pagod na kayo eh."

"Salamat Nina." Ngumiti ako sa kanya. Pag ka talagang ganitong mga pangyayari. Maaasahan si Nina ng biglaan. Kahit isa lang ang kaibigan ko, basta lagi kong maaasahan.

Inaayos ko na sa kama si Riley, ang bata pa lang niya, pero ang dami na niyang napagdaanan. Pag nag kaanak ako, hindi ko siya hahayaan na saktan ng iba. Ayoko siyang makaranas ng paghihirap.

Nag shower muna ko, bago mahiga. Past nine pa lang. Maaga pa. Nagpatuyo muna ko ng buhok at nahiga sa tabi ni Riley.

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon