*Special Chapter*

109K 1.1K 145
                                    

Perfect. Smooth sailing. Happy. It's how I describe my relationship with Xienna. I love her very much. I can sacrifice everything for her. Hindi niya alam na alam ko na ayaw sa kanya ni mommy at daddy. Narinig ko minsan si mommy na kung anu ano ang sinasabi sa kanya. Kinausap ko si mommy tungkol dun. Sinabi kona narinig ko siya. Sinabihan ko siya na hayaan na lang niya ang relasyon namin ni Xienna kasi mahal ko siya. Mahal na mahal. Ganon na nga ang ginagawa ni mommy. Pag magkakaharal kami, hindi niya pinakikitaan ng masama si Xienna.

Nung third monthsary namin, sinurprise niya ko ng isang dinner date sa condo niya. Yun yung time na nagtiis at nagpigil ako dahil nirerespeto ko siya. Gusto kong maramdaman niya na hindi yun ang habol ko sa kanya. Pero sinabi niyang gusto niyang iparamdam sakin na mahal niya ko.

Nung napagtanto ko na hindi na siya pure... napahinto ako nung ginagawa na namin yun. Pero hindi ko pinahalata. Kaya kung tanggapin kung sino siya at kung anu ang nakaraan niya... ganon ko siya kamahal. In the first place, hindi katawan niya ang nagustuhan ko sa kanya. Kundi ang ugali niya. Sweet, thoughtful, understanding, simple and kind.

Ako na siguro ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo dahil habang lumilipas ang mga araw, humahaba din ang pagsasama namin. Tumatagal din ang relasyon namin. Wala na nga akong ibang mahihiling pa eh.

Napatino niya si Hannah sa pagrerebelde kay mommy at daddy. Napatigil niya sa mga vices si Hannah. Pero nanumbalik lang yun nung malaman naming lahat na buntis siya dahil inilayo namin siya sa boyfriend niya.

Nagalit ako sa kanya ng sobra... pagkatapos ng lahat, yun lang ang igaganti niya samin. Iniwan niya si Riley sa may damuhan sa garden namin para lang makasama ang boyfriend niya.

Si Xienna ang tumulong sakin sa pag aasikaso kay Riley. Lalo na nung umalis ang parents ko for dad's medication.

Sa higit isang taon, si Xienna ang nakagisnan at nakasama ni Riley. Kahit na busy siya noon sa mga photoshoots niya, hindi pa rin siya nawalan ng time kay Riley kahit na hindi naman niya obligasyon yun.

Halos bumagsak ang pagkatao ko nung pinili niyang umalis para sa offer sa kanya sa France. Sobra kong na-down ang sarili ko nung nga panahon na yun. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit pa kailangan ni Xienna na mangibang bansa. Pwede kong ibigay sa kanya lahat ng kikitain niya sa France ng hindi na siya nagpapagod. Dalawang buwan ko siyang hindi kinausap... lagi ko siyang tinataguan nun. Nalulong ako sa pag ka-Casino. Pampalipas oras lang, para makalimutan ko siya. Nabalitaan ko na lang na umalis na pala siya patungong France.

Sinikap kong kalimutan siya at ituon ang atensyon ko sa company na inihabilin sakin ni daddy. Pakiramdam ko nag tagumpay ako. Hindi ko nga alam na sa tinagal ng relasyon namin ni Xienna... maikling panahon lang ang kinailangan ko para makalimutan siya.

Nangailangan ako ng mag aalaga kay Riley. Umalis kasi ang private nurse niya. Hindi ko na siya pinaintindi pa kina Manang Lucia. Marami na silang ginagawa at matanda na din sila.

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon