Babysit ~ Forty Seven

91.3K 981 57
                                    

"Ate Ciara, okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Hannah.

"Huh? Uhm, hindi... I-I mean, o-okay lang. Mag si-cr lang ako. Pakisabi na lang kay Mommy Mandy." Hindi ko hinintay pa ang sasabihin ni Hannah. Lumabas na ko ng department store at nagpunta sa way ni Hanzen. Hindi ako sure kung siya talaga yun. Pero malakas ang kutob ko. Kahit nakatalikod siya, makikilala ko siya. Kahit anong anggulo pa yan.

Natanaw ko pa ang ulo ni Hanzen. Matangkad kasi siya eh. Medyo binilisan ko pa ang paglakad ko, hanggang sa makarating siya sa carpark. Medyo nagtago pa ko sa isang L300 van na di kalayuan kung san sila nag stop. Tama nga ako... si Hanzen at si Xienna. Nahampas ko ng wala sa oras yung van.

Kitang kita ko kung paano yakapin ni Xienna si Hanzen. The nerve... hindi ko alam kung dapat pa ba kong maiyak sa sitwasyon ko. Ang akala ko si Xienna lang ang nagda-drugs. Pero pati si Hanzen... adik!! Magtutuos din tayo Hanzen.

Nakagat ko ang ibabang labi ko saka ako umalis sa pwesto ko. Bumalik ako sa department store. Nandun pa rin si Hannah sa pwesto niya kanina.

"Oh Ate Ciara... natagalan ka. Mahaba ba ang pila sa cr?"

"A-ah, o-oo. Ang haba. Ang daming nakapila."

 

"Ciara... nandyan ka na pala. Guess what? Nabili ko na yung crib." Excited na sabi ni Mommy Mandy. Napangiti na lang ako.

"Hindi niyo naman po kailangan gawin yun."

 

"Naku, okay lang yun. Nang makabawi naman ako."

 

"May ipon na--"

"Wag na... itago mo na lang muna yan." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Wala ako sa mood makipagtalo. "Bibili pa tayo ng mga bottles."

Hinayaan ko na lang si Mommy Mandy na bilin lahat ng gusto niya.

"Ate Ciara? May problema ba?"

 

"W-wala naman. Pagod lang siguro ako." Pagkasabi ko nun, bumaling si Hannah kay Mommy Mandy.

"Mommy, uwi na tayo. Next time na lang ulit tayo mag shopping. Pagod na si Ate Ciara. Baka hinahanap na din tayo ni Riley."

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon