Six

168K 1.6K 35
                                    

Nandito kami ngayon sa isang park. Naglalaro kami nitong si Reese. Minsan nakikisali si Sir Hanzen. Gaya nung nag seesaw kami. Nasa kabilang side kami ni Reese, Si Sir naman sa kabila. Mahirap naman kasing mag seesaw ng isang side lang ang occupied, kabaliwan yun.

Naghahabulan kami ni Reese, ang kulit nga eh, tumitili pa. Akala mo kinililiti habang tumatakbo. Bigla kong naisip na, gusto ko na din magka-anak. Pero, ayokong mag asawa. Gusto ko muna magtrabaho. Ayoko kasi talagang masayang yung pinag-aralan ko.

Dalawa lang naman yan eh, dapat hindi na nila ako pinag-aral ng college kung pagka-graduate ay ang kasal ko naman ang iintindihin, o kaya hinayaan na lang nila kong i-manage ang business namin. We're effing rich, kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit pa nila pinipilit ang arranged marriage na yan. The last time I check, hindi naman nalulugi ang business namin, in fact, nung nag di-dinner kami dati ng parents ko at ng ate ko, naririnig ko na pinaguusapan nila yung mga na-close na deal ni daddy. Kung gusto naman nila na may ikasal na sa mga anak nila. Eh di dapat si ate na lang. Mas may napatunayan na yun. Dahil nama-manage na nya yung iba nameng business. They let her do whatever she want after she graduated. But me? They effing announced my engagement with someone I don't know. Feeling ko pinagkakaisahan nila ko.

Hindi ako babalik dun hangga't hindi ko nababalitaang kinasal na yung lalaking 'Fiance' ko daw.

Lahat naman ng gusto nila ginawa ko. Naging mabait akong anak. Hindi sumakit ang ulo nila sakin. Pero pagdating sa ate ko na muntik ng di maka-graduate dahil sa night life niya eh sunod pa din ang gusto.

Hindi sa pagiging bitter, pero ang bitter ko talaga. I'm not insecured or something, It's just that it's so unfair on my part.

"Mommy, ayaw na. I wanna pee."

"Wala kang suot na diaper?" Tanong ko kay Reese na nasa ilalim ng puno.

"Melon. But it's a baby thing." Juskoo, ang arte nanaman po niya. "I told daddy not to wearl this thing on me; he didn't even listen." Napatingin ako kay Sir Hanzen na may kausap sa cellphone niya at parang may pinagtatalunan, napatingin siya sa gawi namin at pinilit na ngumiti at kinawayan si Reese. Tinaas ko na lang yung dress ni Reese at tinanggal yung diaper niya. Tapus nagtago siya sa likod ng puno at narinig ko yung pag-ihi niya. Maagang magdadalaga tong bubwit na to.

Kumain kami ng lunch, na binili namin sa resto na nadaanan namin kanina. Dun kami pumwesto sa ilalim ng puno, naglatag lang kami ng blanket na laging nasa car ni Sir Hanzen na para kay Reese.

Habang sinusubuan ko si Reese, napatingin siya kay Sir Hanzen.

"Daddy, I wish she was my leal mommy no? so that we'rl always complete and happy and I always have someone beside me when you'rl away." Nakita ko ang pagkabigla na gumuhit sa mga mata ni Hanzen, at agad naman napalitan yun ng awa.

I know, my tinatago siya. Pero ayokong makialam.

Hinalikan niya yung noo ni Reese. "I'm sorry baby. Don't worry, i'll find time para mas mahaba ang oras na magkasama tayo." Ngumiti si Reese at niyakap si Sir Hanzen, nagulat ako nung bigla din ako inabot ni Reese at niyakap. Para tuloy group hug.

Kung iba lang siguro ang makakakita na hindi alam na nanny lang ako, iisipin nila na we're a happy family.

Parang nagsisisi tuloy ako kung bakit inalisan ko yung sarili ko ng karapatan na makabuo ng sariling kong pamilya. Pag kasama ko si Reese, feeling ko ako talaga yung mommy niya at parang may kung anung bigat sa dibdib ko na laging nagpapasakit sakin. I know it's impossible for that to happen. But there's a part of me saying na sana ako talaga ang mommy niya.

Pero habang naiisip ko yun. Bigla na lang sumasakit ang ulo ko. Pakiramdam ko, bigla ko na lang gustong umiyak ng umiyak. I always feel something everytime Reese held my face.

All I know is that I'm no longer a virgin. Period.

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon