*Fourteen*

147K 1.2K 34
                                    

 **Sir Hanzen on the multimedia**

Nagising na lang ako sa may kwarto namin ni Reese. Paano kaya ako nakarating dito? Ang alam ko kasi pag katapus ng ano, nakatulog ako sa may dalampasigan. Waaaaaaaaa, may nangyari samin sa dalampasigan. Takte. Nakakahiya. Hindi na siya nakapagpigil na halayin ako. Sa may public place pa. Huhuhu! Anu na lang ang sasabihin ng magulang ko? Wala na kong dangal. Wala na kong hiya. Wala na kong v-card. Baka masabihan nila ako ng "You're such a disgrace." Oh no! Ang future ko. Walang wala na talaga. Buti sana kung we did it once, but TWICE. That's too much, too much to handle. Buti sana kung with feelings. Get it on lang ako. Pero on-sided love ang drama namin. 

"Mommy." Sabi ni Reese na dahan dahang pumasok sa kwarto namin. "Daddy and I made a tea forl you." Oo nga, may hangover pa pala ako. 

"Sige baby, susunod na ko." Tumango na lang siya at lumabas na ng kwarto. May mukha pa ba kong ihaharap? Alam ko namang maganda ako. Pero, may hiya pa din naman ako eh. O dapat masanay na ko? Kasi sabi niya nung first namin, "We should do this often." May balak ba siyang ikama ako forever? Pero hindi naman sa kama namin ginawa yung kagabi. Sa buhangin, so saan naman ang next namin? Waaaa. Instant s*xcapades. Shett. Di ko na ata kakayanin.

 Pagkalabas ko ng kwarto, diretso agad ako sa may table sa labas. Nandun kasi siguro silaReese.

"Mommy. Tea forl you." Then she handed me the teacup.

"Thanks baby. S-sir, sorry po, nalate ata ako ng gising." Sinulyapan ko lang siya at humigop na ng mainit init na tsaa.

 "Ok lang, I understand. Ako naman ang may dahilan." Naibuga ko yung hinihigop kong tsaa. Damn!! Wa poise. Nasamid pa ko, kaya hindi na talaga ako makahinga. Ubo pa ko ng ubo. Hindi nila malaman ang pagtapik na gagawin sakin. Si Reese pinapaypayan ako. Enebeyen, hindi po ako hinimatay. Mamamatay lang. Buti naman nakabawi na talaga ko. Akala ko katapusan ko na.

"Mommy! You okay na?"

"Y-yes baby! May n-nakaalala lang siguro sakin, kaya ako nasamid." Tapus sumulyap ako kay Sir Hanzen, ikaw ang may sala. Hmp!!

Nagsu-swimming ulit si Riley, kami naman ni Sir Hanzen, nakaupo lang sa may buhangin. Bukas kasi aalis na kami. Kaya ini-enjoy na namin ang last day. Hindi naman namin napag usapan yung tungkol sa nangyari kagabi. Sakin lang ata big deal ang lahat eh.

"Hindi ko alam kung tama tong nararamdaman ko, pero Ciara. I like you." Anu daw? Napaka straight forward naman nito. Pero teka, HINDI ALAM KUNG TAMA???

"Mali po bang mag kagusto sakin Sir Hanzen?" 

"No, hindi yun ang ibig kong sabihin. Masyado kasing mabilis eh. Almost one month pa lang tayo magkakilala. Marami akong hindi alam sa'yo. Marami ka ding hindi alam sakin. Pero hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na sabihin sa'yo yung nararamdaman ko." 

"Sana siguraduhin mo muna, bago mo sinabi sakin. I don't wanna expect anything from you. Ayokong umasa. I've never been in love before. Pag-aaral lang ang inatupag ko, kaya sana, kung pwede... hangga't maaari... ayokong masaktan."

"Don't leave us. Gusto kong makasiguro sa nararamdaman ko sa'yo. Gusto kong malaman kung anu ka talaga sakin."

"What if hindi? I mean, paano kung hanggang dyan na lang yan, o kaya wala lang talaga yan, what if you don't really like me, attracted perhaps."

"Then, help me."

"What kind of help? Help you to like me? You're impossible!" Tumayo ako at naglakad papalayo sa kanya. Hindi niya na ko nakagawang sundan dahil walang titingin kay Reese.

Kung saan saan ako napadpad. Naikot ko na ata ang buong resort eh. Naiinis kasi ako. Hindi naman kasi natuturuan ang puso, kahit anung gawin mong saksak diyan at isusuka ka lang, walang mangyayari. Talo mo pang nag memorize ng isang poem na may nakasaksak sa'yong earphone, nasa tabi ka pa ng malalaking speaker na tumutugtog. Actually, wala namang connect yun. Naisip ko lang. Biglaan lang. But, anyways, hindi naman kailangan humanap ng maiko-connect sa love. Kasi hindi naman yan electronics na pag di sinaksak, hindi gagana. This time, hindi ko alam kung may connect ba or wala.  

Huminto ako dito sa may pool sa garden ng hotel. May iilang nag su-swimming. Yung iba, puro picture picture lang. Inggit ako, wala kasi akong dalang cellphone. Di ko tuloy ma-picture-an kahit tong buong resort lang. Para tuloy gusto kong magkaroon ng private resort. Pero imposible, kasi wala naman akong pera. Siguro mag-aasawa na lang ako ng mayaman na pwede kong huthutan ng private resort. Si Sir Hanzen sana, pero limang kambal ang ihuhuthot ko sa kanya. Hahahaha! Gusto ko yun.


(c) Eilramisu

Sorry! Maikli lang yung update, busy kasi ako sa pag aalaga sa baby brother ko =))) Have a blessed day!! Enjoy!!

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon