Babysit ~ Forty

106K 1.1K 84
                                    

"H-hanzen. Gising na. Huy!! Nandito na tayo sa bahay." Kanina ko pa tinatapik yung pisngi niya pero ang himbing pa din ng tulog. Ano kaya kung bumusina ako ng sunod sunod? Para magising to? Ngayon lang to nagtulog mantika. Napatingin ako kay Mang Edgar na nakatayo sa labas ng kotse na naghihintay ng utos ko. Pagtingin ko sa direksyon ni Hanzen, namamalikmata lang ba ko na parang biglang pumikit yung mata niya at poker face nanaman dahil tulog? Or parang hindi naman, baka imagination ko lang yun.

Nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya. Mahimbing naman ang tulog niya. Sinubukan ko ulit siyang tapikin sa pisngi, pero tulog pa din. Kaya iga-grab ko na tong pagkakataon na magkalapit ang mukha namin. Nararamdaman ko ang paghinga niya sa mukha ko.

Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Napatitig ako sa labi niya. Mapula na manipis. Perfect. Hinalikan ko siya sa labi. Dampi at sandali lang. Nung ilalayo ko na yung mukha ko. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang batok ko at hinalikan. Gulat na gulat ako. Nanlalaki ang mga mata ko. Siya naman nakapikit lang. Nagulat pa ko ng ginalaw niya yung labi niya. Hindi lang magkalapat ang mga labi namin. Nilalaliman niya ang halik. Hindi ko alam ang gagawin ko... magpapadala ba ako? or itutulak ko siya. 

Kinuha niya ang kamay ko at dinala yun sa dibdib niya, nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso niya. Dahil miss na miss ko na siya... ang halik niya, ang pagmamahal niya, ang presensiya niya. Sumunod na lang ako sa sinasabi ng puso niya... gumanti ako ng halik. Bahala na kung ano ang mangyayari. Kung masaktan... eh di go! Basta ang alam ko lang sa ngayon... kung sino man ang hahadlang samin... hindi na ko tatakbo at magtatago lang. Dahil lalaban ako... ipaglalaban ko siya... ang pagmamahalan namin.

Nalalasahan ko ang alak na ininom niya. Mas lumalalim ang halik niya... gumaganti lang ako. Kung anu ang ibinibigay niya, sinusuklian ko. Yung kamay ko kanina na nakahawak sa may dibdib niya, ngayon nasa may batok na niya. Medyo iniayos niya ko ng upo, dahil nakatagilid ako, at baka nagrereklamo na ang anak ko dahil nakapilipit siya. 

Naramdaman ko na nabasa ang pisngi ko, sa hindi malaman na dahilan. Hindi naman ako umiyak. Nang nagmulat ako ng mata. Nakita ko na may luha sa mga pisngi ni Hanzen... nakatingin siya sakin. Huminto ako sa pag halik at medyo umatras. Baka kasi panaginip lang to or baka imagination ko lang. Nagkatitigan kami... puno ng lungkot ang mga mata niya... bakit? May mali ba sa mga halik ko? 

"W-why are you looking at me... like that? Why are you... crying?" Sa halip na sagutin ako ni Hanzen, niyakap lang niya ko. Mas narinig ko siyang humikbi. Nasasaktan ako pag umiiyak ako... pero mas doble ang sakit pag siya na umiiyak.

"Don't you dare leave me again, Ciara. Kahit magtago ka pa kung saan saan... hahanapin kita. Siguro nga hindi kita nahanap ngayon... but please, wag mo na ulit subukan magtago. Hindi ko na kaya, Ciara. Ayoko ng mawala ka sakin. Sorry kung nasaktan kita. Just let me explain..."

"Hanzen... wala na sakin yun. Nakapag move on na ko." Napagtigil si Hanzen sa pag hikbi. Dahan dahan niyang kinalas ang pagkakayakap niya sakin.

"M-move on?"

"Yes. Move on. Yun ang kailangan natin, ang mag move on."

"Ciara... why? Why do we have to move on? Hindi! Hindi ko kayang mag move on."

"We have to--"

"No! Hindi ako papayag. Ayoko mag move on." Bakit ba ayaw niya? Eh yun naman ang makakabuti para sa lahat. "Ngayon pang mag kaka-baby na tayo? Sa tingin mo mag kakayanin ko pang mag move on?"

"Teka nga! Ang gulo gulo mo namang kausap." 

"Ikaw ang magulo kausap!!"

"BAHALA KA NGA DIYAN!!!" Ang labo labo niya. Ayoko makipag usap sa nakainom. Bumaba ako ng kotse at pabalyang sinarado ang pinto. Nakita ko si Mang Edgar na humikab. "Sige na ho Mang Edgar, pwede na ho kayong magpahinga! Kaya na ho ng kolokoy na yun ang sarili niya. Paki double check na lang po ng mga gate." Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng kotse. Nilingon ko si Hanzen at inirapan siya. Nakakainis kasi. Bahala siya!! Nag dirediretso ako papasok sa bahay!

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon