*Twelve*

160K 1.5K 64
                                    


Nag la-lunch kami ngayon nila Reese at Sir Hanzen, feel na feel ko na para kaming happy family. Kasi naman, tumatawa si Sir Hanzen habang sinusubuan ko si Reese, panay kasi ang nganga. Parang di pinakain ng isang buwan. Malakas pang kumain sakin. Nakikita ko pa yung tingin ng mga tao samin. Aura lang yan!! Medyo pasimple ko pa ngang hinahampas si sir Hanzen sa balikat. Kasi nga feel na feel ko.

"Daddy swim! Swim! Swim!" Sabi ni Reese nung nasa labas na kami ng resto.

 "Sure. Magpalit muna kayo ni Ciara ng damit, okay?"

"Tala mommy. "

Naglakad na lang kami papuntang cottage namin. Napapalingon din ako sa dagat na parang nangaakit na tinatawag ang diyosa na walang iba kundi ako.

Inuna ko munang bihisan si Reese. One piece lang yung suot niya, pero ang cute. Bata pa lang yan ang sexy na. Hindi kasi siya gaya ng ibang bata na malaki ang tiyan. Siya kasi tama lang, idagdag pa ang height niya na hindi pang three-year old na bata.

"Mommy kasing seki ko yung barlbie." Sabi ni Reese habang nagpapalit ako ng two piece.

"San mo naman natutunan yang sexy na yan?"

 "Kay Tita Xienna. Ang sabi pa nga nya, pag tinanong daw ang ibig sabihin ng seki, tsabihin ko daw..." tapus huminto siya sa pagsasalita. Hiningal ata, daldal kasi "...tita Xienna." Sino ba kasing Tita Xienna na yan at parang napaka papel naman ata sa buhay ng anak--este alaga ko.

"Nag-iba na baby. Hindi na Tita Xienna ang ibig sabihin ng sexy."

"Anu po?"

 "Mommy Ciara. Yan ang bagong definition ng sexy, baby. Look." Tiningala nya ko, tapus umikot ako sa harapan niya na feeling ko model ako ng Bench.

"Oo nga mommy, ikaw bago." I told you, sexy ako, kaya ultimo bata nagsasabi ng totoo.

"Tara na baby." Hinawakan ko siya sa kamay at lumabas na kami ng kwarto. Si Sir Hanzen naman nakaupo lang at nagbabasa ng libreng dyaryo.

"Daddy!!!" Sinarado niya yung dyaryo at tumingin samin ni Reese, at napako ang tingin niya sakin. Sabi na mga diba, ako ang bagong depinisyon ng sexy. Napansin ko napalunok si Sir Hanzen. Kita ko ang malademonyong abs niya, dahil naka broad shorts lang siya. Ang init ah!! May sunburn na agad ang mata ko sa pagtingin sa abs niya. Pinagpapawisan nanaman ako. "Daddy, ang seki namen no?"

"O-oo, tara na." Tapus umiwas siya ng tingin at tumayo. Hinawakan din ni Reese ang kamay ni Sir Hanzen kaya nung sinasarado niya yung pinto nagkakahawak pa din kami. Hanggang sa naglalakad na kami papuntang seashore hawak pa din ni Reese yung mag kabila namin kamay.

Nung naaabot na ng alon yung mga paa namin, nagulat ako ng bigla kaming sabuyan ni Reese ng tubig, syempre ang reaction namin gulat. Kaya nung nakabawi ako sa gulat, ginantihan ko siya. Kaya nag hahabulan na kami. Feeling ko ako si Eva Fonda, idagdag pa ang wind effect. Pero mas maganda ako. Tawa lang ako ng tawa dahil parang kiliting kiliti si Reese habang hinahabol. Syempre, hindi maiaalis ng kalalakihan ang pagtingin sa mala-diyosa kong ganda at katawan. Buti na lang di masyadong maaraw. More like medyo makulimlim. Pero hindi naman mukhang uulan.

Hinahabol ko si Reese, habang yung kalalakihan, may sunburn na din ang mata sa paghabol nila ng tingin sa body ko.

"Daddy! What arl you doing therl?" Sigaw ni Reese kay Sir Hanzen na akala mo isang statue. Malamang sa malamang, may sunburn na din ang mata nito dahil sa katawan ko. Nakasimangot siyang naglakad papunta samin. Para siyang ramp model. Ang abs niya talaga namang nakakagigil nag fi-flex ang mga muscles sa braso. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na mag dive papunta sa kanya at sisirin ang pinakamalaking tilapia.

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon