Babysit ~ Thirty Six

103K 893 67
                                    

Kasalukuyan akong nanunuod ng tv... inilipat ko sa fashion channel. Sa kasamaang palad, si Xienna ang nasa commercial nun kaya naman inilipat ko kaagad. Bago ko pa maipaglihi ang anak ko sa sama ng loob.

Napapitlag ako nung biglang may nag doorbell. Kinabahan ako. Nagka trauma na ata ako pag may nag du-doorbell. Baka kasi si Xienna nanaman yung pagbubuksan ko. Baka masipa ko na siya pag nagkataon.

"Maria, andyan ang ate Claire mo." Napalingon ako sa sinabi ni Mameng Aida kaya napatayo agad ako, muntik na kong ma out of balance dahil nahilo ako. Agad naman akong nadaluhan ni Mameng. "Ano ba iyan Maria. Mag iingat ka. Masama ba ang pakiramdam mo?" Bakas sa boses at mukha ni Mameng ang pag aalala.

"Okay lang ako Mameng. Baka nabigla lang yung katawan ko pagkatayo ko. Wag niyo po akong alalahanin."

"Ikaw talagang bata ka. Napakatigas ng ulo mo." Umiilin iling pa si Mameng nung sinabi niya yun.

Sinalubong ko si ate Claire pagkapasok niya.

"Kiaaa!" Napatakip ako ng tenga nung tumili siya. Niyakap ko siya. Kasi miss na miss ko na siya. Kailangan ko pala talaga ng pamilya. Kahit na anong mangyari. Kahit na anong pagpapakatatag ang gawin ko. Pag kaharap ko na ang pamilya ko, pakiramdam ko ang hina hina ko. "Why are you crying?" Napahawak ako sa pisngi ko. Oo nga. Umiiyak na nga ako.

"Wala. I just missed you." Hinila ko siya papunta sa living room at naupo kami sa couch. "So how's daddy? Hindi pa sila tumatawag sakin."

"Nakausap ko si mommy kahapon, ang sabi niya sa next week na ang operation ni daddy."

"I guess, daddy is already bored to death." Natawa si ate sa sinabi ko. We know daddy, ayaw niya yung walang ginagawa. Mas gugustuhin pa nun mahimatay sa pagod kaysa mamatay sa kama.

"Malay mo... maiinggit sila sa'yo. Baka pag uwi nila, may kapatid na tayo." Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Ate. Nakakakilabot. Isa pa, it's too impossible. Ligated na si mommy no! Kahit siguro hindi pa siya nag me-menopause kaya wala na ring chance... eh ikaw ate... kailan mo naman balak magkaanak?" Pang iintriga ko sa kanya, pero inirapan lang niya ko.

"Wag ako ang intindihin mo. Ang sabi ni Mameng, mahina ka daw kumaen. Anong nangyayari sa'yo Kia?"

"May time lang talaga na hindi ako marami kumain. May time naman na malakas. Ganito siguro talaga pag buntis. Paiba iba."

"Nagdala pala ko ng mga fruits, kukunin ko mamaya sa kotse."

"Basta wag lang super tamis yan ha? Ayokong tumaba kami ng baby ko." Pagsabi ko nun, binatukan ako ni Ate. "Aray ha!! sana naman ate, sasabihin mo na babatukan mo ko... para makaiwas ako."

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon