Sixty

69.5K 1.5K 41
                                    

Kinaumagahan ay dalawa na ang pinapakain ko ng breakfast: ang asawa ko at si Enrique. Natutuwa ako habang pinagmamasdan sila na sabay na kumakain ng pancakes. Naka-suit si Ezq at si Enrique ay nakapambatang polo at pants.

Napansin ko na may nakadikit na maple syrup sa pisngi ni Enrique. Kumuha ako ng paper napkin at pinunasan iyon. Ipinaling niya ang mukha, halatang ayaw magpahawak sa akin. Hindi ko na pinush ang luck ko. Masasanay rin si Enrique sa akin but for now, mas makakabuti kung hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya dahil baka makasama pa.

Si Ezq na lang muli ang inasikaso ko. "More grape juice, hubby?"

He blinked, pagkatapos ay napipilitang tumango. Oh damn. I realized that he hated grape juice. Pero pinipilit niya iyong inumin tuwing umaga dahil sa akin. Muntik na akong matawa. Hay, ang asawa ko talaga.

"Tea na lang siguro," sabi ko at gumawa ng tea with honey. Nasa kitchen lang kami. Ginagamit lang namin ang dining room kapag dinner. Masyado kasing formal doon.

Ibinigay ko kay Ezq ang tea.

"Thanks, baby." Hinila niya ako at ipinalibot sa akin ang isa niyang braso. Hindi niya ako binitiwan habang itinutuloy niya ang pagkain.

"Paano nga pala ang schooling ni Enrique?" usisa ko.

"I don't know. Nag-assume na lang ako na in-excuse siya ni Janice sa school niya. Enrique, kinausap ba ng mommy mo ang teachers mo bago kayo pumunta ng Europe?"

"I don't know," tugon ng bata na abala sa pagkain.

"How was school, Enrique?" tanong ko rin. "Do you like your teachers and classmates?"

Hindi sumagot si Enrique.

"Enrique, when Tita Sophie is talking to you, sasagot ka," sabi ni Ezq.

"Daddy, I want to go to the vineyard now," sabi ni Enrique.

Ezq glared at him. "Hindi mo ako narinig, Enrique? You can't be like that to your Tita Sophie. I won't allow that kind of attitude."

Enrique pressed his lips together, parang magta-tantrums anumang sandali. "I want my mommy."

"Fine. You can stay here and wait for your mommy. Darating siya mamaya."

"No, I want to go to the vineyard with you!"

"Then be a good boy. Come here." Hinila ni Ezq si Enrique sa harapan niya. "Daddy has a wife. Tell me, you don't like that?"

"'Tis okay," sabi ni Enrique pero halatang dahil lang iniisip niyang iyon ang gustong marinig ni Ezq.

"No, it's not okay to you. Ayaw mo na may wife ang daddy mo. Right? It's okay to say it."

Lumabi si Enrique, 'tapos ay tumango.

"It's okay to feel that way, Enrique. Daddy and Tita Sophie will understand. Just don't do bad things. It won't change things, it will only make you look like a bad boy. You're not a bad boy, are you?"

Umiling si Enrique.

"I know you're not." Niyakap ni Ezq si Enrique gamit ang isang braso niya.

Kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko maiwasang maging emosyunal sa napapanood ko. Naa-amaze ako sa pag-handle at pagpapaintindi ni Ezq sa anak niya sa situwasyon. Medyo tough ang paraan niya pero tama. Para bang nag-mature siya overnight nang malaman niyang isa na siyang ama. Kagaya ko rin, nag-mature emotionally matapos mawala noon sa akin si Ezq dahil sa pagkakamali ko.

RELENTLESS LOVE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon