Fifteen

109K 2.4K 70
                                    

Tumakbo agad ako palabas ng bedroom. Natigilan si Ezq sa paghakbang sa sala nang makita ako. May hawak siyang isang pumpon ng malalaking Holland red roses.

Roses! For me?

Ngumiti ang puso ko. Gusto ko nang agawin sa kanya ang mga bulaklak at amuyin pero nanatili ako sa kinatatayuan ko at inilagay ang mga kamay sa likod ko.

Nakatingin siya sa silk teddy na suot ko. "Oh f*ck. Hindi ko alam na iyan ang suot mo pagdating ko."

"Isinusukat ko ang mga damit sa paper bags, 'yong mga binili mo para sa akin."

Tumango siya, titig na titig pa rin sa akin. Pagkatapos ay pinadaan niya ang palad sa ulo niya. "Baby, totoo talaga ang mga sinabi ko sa iyo about Marquise. She never became my girl."

"Naniniwala na ako. Huwag mo na siyang babanggitin kahit kailan. Ayaw ko nang marinig ang name niya," mabilis na sabi ko.

He blinked. "Naniniwala ka na sa akin? Hindi ka na galit?"

"Hindi na. Bakit ngayon ka lang pumunta rito? Bakit hindi mo ako tinawagan the whole day?"

"Iniisip ko na baka galit ka pa rin. Hinihintay ko lang na lumamig ang ulo mo." Lumapit siya at ibinigay sa akin ang roses. "For you."

"Thank you." Inilapit ko ang roses sa ilong ko. Bagay rin pala ang red roses sa ivory silk teddy na suot ko. Para akong bride, minus the wedding dress. I looked up at his face and smiled. "Gusto mo ba ang suot ko, Ezq?"

"F*ck, yes. Binili ko iyan dahil alam kong magugustuhan ko na suot mo iyan." Pinadaan niya ang daliri sa isang cup ng bra ng teddy. My nipple instantly hardened. "Kumain ka na?"

"Yes. Sandwich."

"Hindi pa ako kumakain. I'm hungry. Very hungry."

Nabasa ko sa mukha niya na hindi totoong food ang kinagugutuman niya. Pareho lang kaming may craving para doon. Damn. Two nights na kaming hindi nakakapag-make love. Hindi ko na iyon kayang patagalin.

Hinila ko siya sa bedroom. Ipinatong ko sa bedside table ang roses. Kinuha ko ang mga damit sa kama at ibinalik sa closet.

Pumihit ako. Nakapaghubad na si Ezq. I swallowed while staring at his glorious nakedness. He was so perfect. Wala akong maipintas sa mukha at katawan niya. Hindi tinatanggal ang mga mata sa kanya, sinimulan kong ibaba ang zipper sa gilid ng silk teddy.

Pinigilan niya ako. "Ako ang maghuhubad niyan sa iyo, baby. Later." Itinaas niya ang mukha ko. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. "Very pretty."

I pouted. "Mas maganda at sexy si Marquise sa akin."

Kumunot ang noo niya. "Akala ko ba, ayaw mo nang marinig ang pangalan niya?"

"Naalala ko lang."

"She's sex on legs. Pero hindi ibig sabihin na mas maganda o mas sexy siya sa iyo. I prefer this particular face. And body." Nakatingin pa rin siya sa kabuuan ko. "Marami na akong na-meet na magagandang babae sa buong mundo, pero dito ko lang nakita ang babae na gusto kong pagmasdan bawat minuto." Idinampi niya ang mga labi sa ilong, pisngi at mga labi ko. "You. Only you, baby."

"Ano ang nagustuhan mo sa akin, Ezq?"

"You have the innocent look of an angel, but with a twinkle of badness in your big brown eyes. It excites me big time."

Ngumiti sa akin ang mga mata niya bago niya muling ibinaba ang mukha niya at hinalikan ako sa mga labi. Puno ng pananabik ang halik niya. Niyayapos ng mainit na palad niya ang katawan ko, gayundin ako sa kanya. Sabik na sabik kami sa isa't isa.

RELENTLESS LOVE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon