Fifty-Four

66.8K 1.4K 29
                                    


Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock. Nakita ko si Sophie na natatarantang inabot at ni-reset iyon. Napangiti ako nang pagmasdan ang hubad na likod niya. Salamat sa nag-imbento ng central heating, kahit gaano kalamig sa France ay maaari pa rin kaming matulog nang walang saplot. Madalas ay iyon ang nangyayari sa gabi, because by the time I was done making love to her, masyado na kaming pagod pareho para magbihis pa.

Tinanggal niya ang padded handcuffs na nakakabit sa pupulsuhan namin. Minsan ay ginagamit pa rin namin iyon sa pagtulog, not so much as a reminder sa akin na hindi niya ako iiwan, kundi bilang simbolo na magkaugnay na talaga ang mga buhay namin. We were one. Mr. and Mrs. Delhomme. Parang sandwich, hindi magiging sandwich kung hindi magkasama ang tinapay at palaman.

Muntikan na akong matawa sa comparison na ginawa ko. Sandwich, really?

Pero akma naman talaga 'yon sa amin. Parang ako 'yong tinapay, napaka-plain kung walang palaman. Si Sophie ang filling na nagbigay ng tamis sa akin, sa buhay ko.

Bumaling siya sa akin. Nang makita niyang gising na rin ako ay inipit niya sa likod ng tainga niya ang sleep-tousled hair niya. Sexily tousled. "Magpe-prepare na ako ng breakfast mo, Ezq," nakangiting sabi niya.

Pinigilan ko siya sa braso nang aktong bababa siya ng kama. "Not so fast. May nakakalimutan ka."

"Oh. Yeah." Yumuko siya at idinampi ang labi niya sa mga labi ko. Daig pa n'on ang epekto ng drugs sa akin. My blood rushed through my veins, ginising ang buong sistema ko. "There's your good morning kiss. Magluluto na ako."

Hindi ko siya pinakawalan. Hinila at ipinailalim ko siya sa akin. "Hindi 'yon. Ang pinaka-importanteng duty mo bilang asawa ko ang nakalimutan mo." Itinaas ko ang mga hita niya para iparating sa kanya ang ibig kong tukuyin.

"Oh. But... mali-late ka sa work."

"Wala 'yon sa quantity ng oras na igugugol ko sa trabaho, baby, nasa quality. Ikaw na rin ang nagsabi, magaling ako sa business. Pero hindi ako makakapag-function buong araw kung tatanggalin na natin ito sa morning routine natin."

Kinagat niya ang labi. "Um, okay."

Hinapit ko siya sa beywang at umikot ako. Napunta siya sa ibabaw ko. "Cater to me, baby?"

She giggled. "No problem, hubby."

And she showed me what a good wife she was, in bed and later, in the shower.

Tinulungan rin niya akong magbihis pagkatapos naming maligo. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang namin ito ginawa; gustong-gusto ko nang ibutones niya ang dress shirt ko at nang suotan niya ako ng tie, vest at suit jacket.

"There. Tapos na." Pinadaanan niya ng palad ang jacket ko. "Ang guwapo-guwapo mo, alam mo ba? Isa ito sa mga suit mo na favorite kong makita sa iyo."

"Mas prefer mo akong makita nang naka-suit kaysa walang damit?"

"No. Pantay lang. Sobrang hot ka kapag naka-suit o naked."

Pumunta na kami sa malawak na kitchen sa ibaba. May dalawang French maids na nag-aayos ng mga sariwang gulay at prutas sa ibabaw ng kitchen counter. Sinenyasan ko silang iwan kami ni Sophie.

"Ano'ng iluluto ko na madali lang ihanda para hindi ka ma-late nang sobra?" natatarantang sabi niya.

"I want some French omelette, toasted bread and coffee, baby," I said, sinadya na madadali lang ang i-request sa kanyang pagkain.

RELENTLESS LOVE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon