Fifty-Nine

67.2K 1.5K 49
                                    

First son. Nag-init na naman ang ulo ko nang iparinig sa akin ni Janice na may anak ako sa kanya. Tanggap ko nang dugo't laman ko si Enrique, ang hindi ko matanggap ay ang katotohanan na sa babaeng ito pa ako unang nagkaroon ng anak.

It should've been with Sophie, hindi kay Janice o sa kahit sinong ibang babae. Pero narito na, at wala na akong magagawa kundi tanggapin na hindi galing kay Sophie ang unang bata na tatawag sa aking Daddy.

Tumayo kaming tatlo dahil aalis na si Janice. Finally. Kanina ko pa gustong-gusto na mawala siya sa paningin ko. This woman who, for a long time, made me feel I didn't deserve a woman's love because I was a heartless jerk.

Well, may mga pagkakataon nga siguro in the past na naging jerk ako. Hindi ko ikinakaila ang mga naging kasalanan ko noon. Pero hindi totoo na wala akong puso. Kung wala akong puso, hindi sana ako nakakaramdam ng sakit. The truth was, I was very emotional. Bata pa lang ako, masyado nang maraming lungkot, pangungulila at disappointments ang naranasan ko. Nag-transform ang mga emosyon na iyon sa galit na kinailangan kong ilabas. Nakagawa ako ng mga bagay na hindi ko maipagmamalaki.

Akala ko maiiwan ko na ang pangit na bahagi ng nakaraan ko na iyon ngayong nandito na kami ni Sophie sa Europe bilang mag-asawa. I was wrong. Sinundan ako ng isa sa consequences ng mga nagawa ko noon kung kailan napakaganda na ng lahat.

"Enrique! Mommy has to go. Where are you?" tawag ni Janice. Ilang beses niyang tinawag si Enrique bago sumulpot ang bata sa malaking hagdan.

"Mommy, mommy, this house is so big!"

Lumuhod si Janice para kausapin ang anak. "I have to go, but you will stay here with your dad."

"Sasakay ka ng airplane, Mommy? You're leaving me? Nooo!"

"Hush. Sa hotel lang ako pupunta pero ikaw, dito ka muna kasama ng daddy mo. Don't worry, pupuntahan ka rito ni Mommy para hindi ka masyadong malungkot. I'm sure your dad and his wife won't mind."

Nakangising nilingon kami ni Janice. Tututol sana ako pero naisip ko na maaaring dapat ko na lang hayaan si Janice na puntahan si Enrique dahil baka hanapin siya ng bata. Ang ayaw ko lang naman ay 'yong titira si Janice sa chateau. Alam ko kung bakit niya gustong mangyari iyon; ine-establish niya na may parte rin siya sa buhay ko gaya ni Sophie. Well, she was wrong. Ina siya ni Enrique, but to me she was nothing.

Tumayo na si Janice. "I'll go. Kayo na ang bahala sa anak ko. For now. Asahan n'yong babalik ako."

Nang lumabas si Janice ay hinabol siya ng tingin ni Enrique, tila nais humabol sa ina. Tinawag ko ang bata. Nang marinig ang tinig ko ay nakalimutan niya si Janice. Tumakbo siya sa akin at nilundag na naman ako. Crap. Bakit ba ang hilig niyang magpabuhat? Ayos lang sana kung babae si Enrique, but he was a boy and besides, he was already seven. Gayunpaman ay binuhat ko na rin siya at inilapit kay Sophie.

"She's my wife. You can call her Tita Sophie."

"Hi, Enrique," nakangiting bati sa kanya ni Sophie.

Nakatingin lang si Enrique kay Sophie, may resentment sa mga mata. Oh hell. I should've known that this wouldn't be easy.

"Enrique, Tita Sophie is talking to you. Ano ang isasagot mo sa kanya?"

Inalis ni Enrique ang tingin kay Sophie at itinago ang mukha sa leeg ko. Nagkatinginan kami ni Sophie. Marahil ay na-realize na rin niya na hindi siya gusto ni Enrique at kailangan muna niyang kunin ang loob ng bata.

"It's okay. He'll warm up to me in no time," hindi nabahalang sabi niya. "You look cute together. He's so good-looking, like you."

Napangiti na ako. Hinalikan ko si Sophie nang magaan sa mga labi. "Isasama ko siya sa work para masanay siya sa bago niyang surroundings." Actually, ngayon lang ako nagdesisyon na isama muna si Enrique sa vineyard—dahil nakita ko na malamig ang pakikitungo niya kay Sophie. I didn't want him to give my wife a hard time. "Is it okay kung later na lang tayo mag-usap, baby?"

RELENTLESS LOVE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon