Thirty-One

78.6K 1.7K 33
                                    


Saturday night. Pag-uwi ko ay may nakita akong pahabang kahon sa pinto ng apartment ko. Designer dress, high heels at invitation sa party na dadaluhan namin ni Kiefer ang mga laman ng box. Naisipan siguro ni Kiefer na padalhan ako ng magagamit ko sa party.

Pagkasuot ko sa dress at heels ay humarap ako sa salamin. Kahit palagi akong kulang sa tulog at nabawasan ang timbang ko, I didn't look bad. Nagawa kong takpan ng makeup ang dark circles sa ilalim ng mga mata ko. Elegante at romantic rin ang chignon hairstyle ko.

I heard someone knock. Si Kiefer na siguro. Lumabas ako ng room ko para buksan ang front door.

"You look stunning," buong paghangang sabi ni Kiefer.

"Thank you."

Tumingin ako sa sasakyan niya. A gray Mercedes-Benz. It was an expensive car, pero hindi masyadong makatawag-pansin, malayo sa cars na pinipili ni Ezq.

"Kasama mo ba ang mommy mo?" I asked nervously. Natatakot ako sa mommy niya lalo na ngayon na nakita ko kung ano ang maaaring gawin ni Mrs. Khanh sa family ko dahil sa kanyang galit.

"No. Nauna na si Mommy sa venue ng party. Sinabi ko sa kanya na susunduin kita kaya hindi ako makakasabay sa kanya."

Inalalayan ako ni Kiefer sa pagsakay sa car niya. Half an hour later, nasa Grand Ballroom ng isang five-star hotel na kami.

"Ngayon pa lang ako naka-attend sa ganitong gathering," bulong ko kay Kiefer.

"Personally I don't like attending parties like this one. Napipilitan lang ako dahil kay Mommy." Humingi si Kiefer ng dalawang champagne sa nag-iikot na server. Ibinigay niya sa akin ang isa. "Here. Drink this. Pero huwag mong iisipin na may balak akong lasingin ka," biro niya.

I smiled at him. "I believe you. Alam kong gentleman ka." Sumimsim ako ng champagne.

"Gusto mo bang sumayaw?"

"Huh? Um..." Nag-iwas ako ng tingin.

"You don't like to dance with me. It's okay."

"Hindi naman sa ganoon, Kiefer, but..."

Okay lang talaga. Sabi ko nga sa iyo, 'di ba? Alam kong wala akong pag-asa sa iyo. Nirerespeto ko ang nararamdaman mo. Besides, hindi ko gusto na ipinagpipilitan ang sarili ko sa babaeng hindi ako gusto."

"Why?" curious na tanong ko.

"Nagmumukha akong kawawa," biro uli niya.

Ang bait lang talaga ni Kiefer. Kahit hindi ko tinatanggap ang damdamin niya para sa akin, hindi siya nagagalit. Napaka-understanding niya.

"No, seriously speaking, ilang ulit ko na kasing naranasan na iwan ng mga babae. Kung gustong-gusto lang sana nila ako, hindi nila ako iiwan. So, now, gusto ko na makatagpo ng babae na gustong-gusto ako at hindi ako iiwan kahit ano'ng mangyari."

"Kaya pala nang hindi ako pumayag na makipag-date sa iyo, hindi ka na nagtanong uli. Pero alam mo, may iba pa iyong ibig sabihin."

"What?"

"Hindi mo rin ako gustong-gusto. Kasi kung gustong-gusto mo ako, hindi mo ako titigilan kahit ano'ng mangyari. Hindi mo ako mabibitiwan nang ganoon kabilis."

"Mabe you're right. Maybe I'm not really in love with you, you're just the type I always fall for. Kaya nang makilala kita, akala ko na-love at first sight ako sa iyo."

RELENTLESS LOVE ✔️Where stories live. Discover now