Nine

116K 2.3K 47
                                    

Nagsuklay ako ng basang buhok ko sa bedroom. Nagwisik din ako ng cologne sa likod ng earlobes at sa wrist ko. Gabi na, nagko-cologne pa ako? Ugh!

Pumunta ako sa sala at umupo sa couch. Binuksan ko ang flat-screen TV na bigay sa akin ni Kuya Deagan. Ginagamit niya ang TV na iyon sa kuwarto niya dati pero dahil nag-move out ako sa family house namin, kawawa naman daw ako kung wala akong TV kaya ibinigay niya sa akin ang TV niya. Pero inasar-asar muna niya ako bago niya ginawa 'yon. Ayaw ko lang daw sigurong i-bully niya ang mga nagtatangkang manligaw sa akin kaya ako magsasarili ng house.

Ano kaya ang gagawin ni Kuya Deagan kung malaman niyang boyfriend ko si Ezq at magkaharap sila? Sigurado akong hindi niya mabu-bully si Ezq.

Dumaan sa likuran ko si Ezq na naka-towel lang sa lower part ng body niya. Cripes! Muntikan ko nang matakpan ang mga mata ko. Kailangan ko na rin bang masanay na may naglalakad na lalaking bagong ligo at almost naked sa apartment ko?

Parang na-sense ni Ezq na napahiya ako. Lumapit siya at tumatawang hinalikan ako sa pisngi. Pinalo ko siya sa balikat. Tumatawa pa rin na pumasok siya sa bedroom.

Nakabihis na siya ng T-shirt at loose pants nang samahan niya akong manood ng TV. Humilig ako sa kanya. Nag-cologne din siya! Oh that heavenly scent of his that I loved! Naalala ko ang pagsasayaw namin sa Fever Dream, his embrace and hot kisses, the fireworks...

Yumakap ako sa kanya. "Ang bango mo."

"You smell good too, baby."

Pagtingin ko sa TV, may nakita akong couple na nagki-kiss at fireworks display sa commercial. I grinned at the coincidence.

"Pumupunta ka ba sa Fever Dream party kapag weekends?" I asked.

Pupunta ba uli siya roon? Parang ayoko siyang pumunta roon dahil alam ko na may mga babae na namang susubok na mag-flirt sa kanya.

"Twice a month."

"Only twice a month?"

"Marami akong ginagawang iba."

Ilan kaya sa mga nag-flirt sa kanya noon ang isinama niya sa bahay niya? Curious akong malaman pero hindi naman niya sinagot nang direkta nang tanungin ko siya last time.

"Next weekend, pupunta ka?"

"Ayaw mo ba na pumunta ako? Just say it."

Alam niya ang iniisip ko! Paano niya 'yon nagagawa?

"Oo. Ayoko."

"Alright. Sa umaga na lang ako pupunta sa Fever Dream para kausapin ang manager ko."

Nakaisip ako ng ibang way para malaman ang sagot sa tanong sa isip ko. "Ilan na lahat-lahat ng naging bed partners mo?"

"Hindi mo gustong malaman."

"Gusto kong malaman kaya ko itinatanong."

"Mula bata ako?"

"Yes. Teka, gaano ka kabata nag-start na makipag-sex?" Kumunot ang noo ko. I was almost scared to hear his answer.

"Not too young. Fourteen."

Bumuka ang bibig ko. "Hindi ba 'yon masyadong bata?"

"Sa aming mga lalaki, hindi. Normal lang yon. Kapag eighteen pataas ka na na-devirginize, abnormal ka na."

Sheesh. Hindi ko maintindihan ang utak ng mga lalaki na puro sex ang laman. "Ilan mula nang fourteen ka?"

"Fifty plus."

RELENTLESS LOVE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon