Four

132K 2.7K 174
                                    

Inilapit ni Ezequel sa bibig ko ang hawak niyang slice ng pizza frita. He was trying to feed me.

"Open your mouth. Masarap ito habang mainit pa."

Kumagat ako sa pizza frita. Lumaki ang mga mata ko nang humaba ang mozzarella. He laughed. He twirled the mozzarella around his finger para maputol iyon.

"Tastes good?"

Tumango ako. Nang maubos ko ang isang slice, kumuha uli siya ng isa. Inilapit niya iyon sa bibig ko pero nang kakagatin ko na ay bigla niyang inilayo. I frowned at him. Tumatawang inilapit uli niya iyon sa bibig ko pero nang kakagat ako, inilayo na naman niya at siya ang kumagat.

Argh! Akala niya, ha. Inabot ko ang lalagyan ng pizza frita pero bago pa ako makakuha, hinila niya ako pabalik sa upuan.

"Kasi Ezequiel! Huwag mo nga akong paglaruan."

"I said you can call me 'Ezq.'"

"Okay. 'Ezq.'"

Ezq. It sounded so sophisticated, like him.

Sinubukan ko uli na kumuha ng nakakatakam na pizza frita pero inipit niya ako sa upuan ng katawan niya.

I pouted. "I'm hungry, you know."

"I'm hungry, too."

He planted a kiss on my shoulder. Tumaas ang mga labi niya sa leeg ko. Huli niyang hinalikan ang earlobe ko. Oooh, that felt good. Parang may magic ang lips niya.

"Alright. Tapusin na natin ito para pareho na tayong ma-satisfy." Inilapit niya sa bibig ko ang pizza frita.

Huh? Pareho kaming ma-satisfy? What does he mean?

"Akala ko ba nagugutom ka?"

Isinubo ko ang pizza frita. Naubos ko ang buong pie. Maliit lang naman iyon kaya naubos ko. Uminom ako ng mineral water.

"Hey! Sophie, right? How's it going?"

Umupo sa tabi ko si... 'Yong touchy-feely model na na-meet ko kanina pero nakalimutan ko ang pangalan.

"Hanggang anong oras ka mag-i-stay rito? Wanna go clubbing with me?"

Ezq gave him the death glare. "Back... off."

"Whoa. Sorry, man. Didn't see you."

"I'm six-four, you didn't see me, but you saw her?"

"Well, you know, I home in on the pretty girls. See you around, Sophie!" He winked at me.

"WTF?" Tumayo si Ezq.

"Hey, relax!" Pinigilan ko siya sa paghabol sa model.

Para na siyang toro na nakakakita ng pula at handang manuwag. Bakit ba ganoon ang mga lalaki, parang gusto palagi ng away?

Bad trip pa rin na hinila niya ako patayo. "Let's get out of here."

"Hindi pa tayo nagbabayad—"

"It's okay. I own this place."

Napasunod ako sa kanya dahil hawak niya ako. "Kailangan kong hanapin ang mga kasama ko." Bitiwan mo na ako. Thanks for the pizza frita... and the hot kisses. Good-bye!

"Sophie! Daan ka sa club namin sa Monday! Bibigyan kita ng free training!"

Tumango ako nang alanganin sa physical trainer na nakilala ko kanina. Jeez, sana hindi kami magkasalubong uli sa The Abbey, baka pilitin niya akong mag-gym.

Hindi nagsasalita si Ezq pero nakakunot ang noo niya.

"Going home?"

"Brittany!" Na-relieve ako nang makita ko si Brittany.

RELENTLESS LOVE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon