Forty-Four

79.3K 1.8K 51
                                    

Si Andre ang naghatid sa akin sa Uptown Abbey. 'Yong partner niya, naiwan sa crime scene, kausap pa rin ang mga pulis.

Sinalubong ako ni Ezq pagbaba ko ng sasakyan. Nakaabang pala siya sa akin sa gate. "Bakit si Andre ang naghatid sa iyo?" tanong niya. Hindi naman kasi ako sumasabay sa bodyguards ko dati. Pero pagkatapos ng nangyari kanina, medyo may trauma pa ako sa pagsakay ng taxi kaya nagpahatid ako kay Andre. "Where have you been, Sophie?" pagde-demand ni Ezq.

"Um, sa loob na tayo mag-usap, Ezq," nakayukong sabi ko, ayaw ipakita sa kanya ang mukha ko. May nakataling bandanna sa ulo ko.

He lifted my chin. "Saan ka galing? Nag-alala ako nang husto—" Natigilan siya nang mapagmasdan ang mukha ko. "The f*ck? Bakit ka may pasa sa mukha? How did you get that? Naaksidente ka ba kaya ngayon ka lang?" Matalim ang tingin na bumaling siya kay Andre. "Why did this happen to her? 'Di ba binabayaran ko kayo para bantayan siya?" Dumadagundong sa lakas ang boses niya.

"Ah... Mr. Delhomme—"

"Ako na ang magsasabi sa kanya, Andre. Thank you. Halika na, Ezq." Nagmamadaling hinila ko si Ezq papasok sa bahay.

"Sophie, baby, ano ba talaga ang nangyari? Sagutin mo ako."

"Pag-akyat na natin sa kuwarto natin."

"Bakit doon pa tayo mag-uusap?"

"Basta makinig ka na lang sa akin."

Pagdating namin sa master bedroom, pinaupo ko si Ezq sa gilid ng kama. Halatang hindi siya natutuwa sa pag-delay ko ng kasagutan sa mga tanong niya pero sumunod pa rin siya.

"Sasabihin mo na ba sa akin kung bakit ngayon ka lang nakauwi at kung saan mo nakuha ang pasa sa mukha mo?"

Binuksan ko ang night table drawer. "Yes." Mabilis kong ikinabit sa pupulsuhan niya ang metal handcuff at sinecure ang kabilang bahagi sa bedpost.

"What... Ano ito, Sophie?" Hinila-hila niya ang kamay. "Bakit mo ako ipinosas sa kama?"

Umupo ako sa tabi niya. Tinanggal ko ang bandanna sa ulo ko.

Nanlalaki ang mga mata na hinawakan niya ang maiksing buhok ko. Matagal bago siya nakapagsalita. "Shit! Who did this to you?" sigaw niya.

"Ipinadukot ako ni Mrs. Khanh kanina. Gusto niyang palabasin na namatay ako nang mahulog sa ilog ang taxi na sinakyan ko. Pero wala talaga siyang balak na ipapatay ako. Ang plano niya, ibenta ako sa isang prostitution house sa ibang bansa. Ipapadala na sana niya ako doon sa kidnappers pero dumating ang bodyguards ko at sinagip nila ako."

The blood had drained from his face; putlang-putla siya. Halos mahawakan ko ang takot na ine-emit ng katawan niya habang pinoproseso ang mga sinabi ko.

"That bitch... had you kidnapped?" usal niya, namumutla pa rin.

"Pero ligtas na ako. Nandito na ako," mabilis kong sabi.

Tila umakyat naman ngayon sa kanyang ulo ang lahat ng dugo niya dahil namula ang buong mukha niya. Pati ang mga mata niya ay parang nagkulay-pula. Rage. Iyon naman ngayon ang inilalabas ng katawan niya.

"Where is that bitch? I will kill her! I will f*cking kill her!" Tumayo siya at hinila nang hinila ang nakaposas na kamay niya, walang pakialam kung matalop ang balat niya.

"Ezq, stop! Sit down," pigil ko sa kanya ngunit patuloy lang siya sa pagwawala. "Hawak na ng mga pulis si Mrs. Khanh at ang kidnappers. Makukulong sila," patuloy na pagpapakalma ko sa kanya. Alam ko na ganito ang mangyayari kaya ipinosas ko siya. Kapag galit siya, nagagawa niya talaga kahit ano.

RELENTLESS LOVE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon