Fifty-Two

71.5K 1.5K 26
                                    

"Looking good, Mr. Delhomme. Mukhang hiyang ka sa pag-aasawa," komento ng trusted employee ko na si Harvey. Kausap ko siya sa laptop.

"Thanks. Masaya at kuntento nga ako sa bagong buhay namin ni Sophie dito sa Europe. You too. You're looking good, Harv. Iba na ang aura mo. Company president and CEO na talaga ang dating mo."

"Ginagawa ko lang ang makakaya ko para punan ang posisyong iniwan mo, Mr. Delhomme."

"You're doing a good job. Keep it up."

"Makakaasa ka, Mr. Delhomme. Alam n'yo na ba kung saan sa Europe kayo magse-settle down ni Mrs. Delhomme?"

Mabuti naman at Mrs. Delhomme at hindi Sophie ang itinawag niya sa asawa ko. Minsan ko na ring pinagselosan si Harvey; nginitian kasi niya noon si Sophie gayong hindi naman ngumingiti si Harvey sa kahit sino, lalo na sa mga babae. I had a suspicion that he'd been burned by love before.

"Sa ngayon, hindi pa nakakapili si Sophie. Baka sa last day namin dito sa Spain, itatanong ko na uli iyan sa kanya."

"Nasa Marina Alta kayo. How's the weather?"

"The best so far na nakaengkuwentro namin sa Europe. It's winter but it's sunny."

"I hope you're having a great time, Mr. Delhomme."

"We are."

Naalala ko ang nangyari sa amin ni Sophie sa Jag sa gitna ng taniman kagabi. Kakilala ng pamilya ko ang may-ari ng pataniman na iyon kaya kung nagkataong may nakahuli sa amin ay hindi kami mapapahamak. Hindi ko ilalagay sa alanganin si Sophie kahit kailan.

Pagkatapos naming maglabas ng steam sa sasakyan ay bumalik kami sa property ng pamilya ko. Dalawang beses pa kaming nagtalik ni Sophie bago kami nakapag-dinner ng sandwiches na ginawa ko—while we were naked. Kaya hindi rin nasunod ang plano naming sa labas kami kakain.

"Siya nga pala, lilipad kami ni Sophie sa Madrid bukas. We'll spend the next four days in that city. Ibibigay ko sa iyo ang number ng hotel para doon mo ako matawagan."

"Got it, Mr. Delhomme."

Negosyo na ang pinagdiskusyunan namin ni Harvey. Makalipas ang isang oras ay isinara ko ang laptop. Tumingin ako sa nakabukas na pinto. Where's Sophie? Hindi ko siya nararamdaman mula pa kanina. Shit. Kung bakit kasi na-absorb na naman ako sa ginagawa ko.

Hinanap ko ang asawa ko sa buong bahay. Lumabas ako ng front door. Tumanaw ako sa beach, wala rin siya doon. Baka namasyal siya sa olive groves.

Naglibot ako. "Sophie!" Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan niya.

"I'm here, Ezq."

Nakita ko siyang nakaupo sa ilalim ng isang olive tree. Nilapitan ko siya. Tumabi ako sa kanya.

"Kanina ka pa ba rito?"

"About half an hour. Busy ka nang makita kita kanina kaya hindi na kita inistorbo."

"Bakit ka lumabas?"

"Nag-iisip lang ako."

Inilagay ko ang braso ko sa likod niya at inilapit ang mukha ko sa mabangong buhok niya. Na-miss ko ang amoy niya. "About?" I asked.

"Us. Sa gagawin natin sa buhay natin."

"Bakit hindi mo na lang diniscuss with me kung ano man ang mga naiisip mo? Para hindi ka nag-iisa rito."

Ipinatong niya sa mga tuhod niya ang pisngi niya, nakatingin sa akin. She was breathtaking. The personification of innocence and temptation.

"Nag-iisip ka na naman, baby. Ano ba talaga ang nasa isip mo?"

RELENTLESS LOVE ✔️Where stories live. Discover now