Thirty-Four

86.2K 1.7K 38
                                    

Nakayakap ako kay Ezq. Pinadadaanan ko ng daliri ang dibdib niya, feeling happy na nagagawa ko uli ito, na alam ko na after mindblowing sex ay hindi siya aalis, that I could sleep beside him contentedly.

Nasira ang katahimikan nang mag-ring ang cell phone niya.

He cursed, annoyed. "Where's that blasted phone?" Bumangon siya at kinuha ang cell phone sa pants niyang nakakalat sa sahig. "Harvey," bungad niya sa caller.

Pinagmasdan ko siya habang nakatayo siya sa ibaba ng kama. Fully naked. Glorious. Gorgeous. Come back to bed, I wanted to tell him. We'd made love four or five times already, but I still craved his touch.

"Magbibihis na ako," he said. He tossed his phone on the bed.

"Aalis ka? Saan ka pupunta?" disappointed na tanong ko.

"Tayo. Isasama kita."

Hinila niya ako pabangon sa kama. Hindi na ako naka-handcuffs; tinanggal niya iyon the second time we made love dahil imposibleng magawa namin ang ibang posisyon kung nakaposas ako. Missionary was nice, but I also liked being on top.

"Let's take a shower. And we have to be quick."

Pagkatapos naming maligo, inutusan niya akong i-blow dry ang buhok ko.

"Akala ko, kailangan nating magmadali?"

"Mas mahalaga pa rin na hindi ka magkapulmonya."

Binlow dry ko sa bathroom ang alun-along buhok ko. Paglabas ko, nakabihis na ng suit si Ezq. He really looked superb in a suit, aakalain na inimbento ang kasuotan na iyon para lang talaga sa kanya.

"Magbihis ka na rin. Ipinili na kita ng isusuot mo."

May nakalatag na colorful bandage dress sa kama. Nasa tabi niyon ang underwear at red high heels ko.

"Ngayon ko lang nakita ang dress na ito."

"Pinili ko iyan para sa iyo nang huling araw na magkasama tayo. Kasama ng anorak at boots na dadalhin mo sana kapag nagpunta tayo sa Europe. Hindi mo na natatandaan?" sabi niya sa malamig na boses.

Naalala ko ang araw na iyon. Pagkatapos naming mag-lunch ni Ezq ay tinakasan ko ang mga bodyguards ko sa shopping mall para mapuntahan si Kiefer. Iyon din ang araw na hindi ako umuwi sa bahay niya.

Darn. Paano ko ba mabubura ang araw na iyon sa isipan niya? Mahihirapan ako, alam ko. In the meantime, hinubad ko ang robe at nagbihis na.

Inabot sa akin ni Ezq ang tube ng mascara at red lipstick ko. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"What?" tanong niya.

"Nothing." Kinuha ko sa kanya ang mascara at lipstick. Babalik sana ako ng bathroom para mag-makeup pero sinabi ni Ezq na gamitin ko na lang ang maliit na salamin na dala niya para makita ko ang mukha ko.

Itinaas nga niya ang compact mirror para makapag-makeup ako. Naka-power suit siya 'tapos tinutulungan niya akong makapag-makeup. I found it funny... na romantic.

Lumabas na kami. Sumakay kami sa red Ferrari niya. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa Jag niya pero baka ikasira iyon ng mood niya. Besides, may palagay akong hindi na mapapakinabangan ang old car niya dahil grabe ang sinapit niyon.

How about the ring? Nai-save kaya niya iyon o kasama na iyong nasunog sa Jag? Hindi ko rin iyon maitanong sa kanya kahit curious akong malaman ang sagot.

"Saan tayo pupunta?"

"Country club. Ipinaalala sa akin ni Harvey ang appointment ko sa chairman ng PCBC. Naglalaro siya ng golf ngayon sa country club." Sumama ang timpla niya for some reason.

RELENTLESS LOVE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon