Twenty-Five

84.3K 1.6K 62
                                    


"Sophie, hindi ba parang weird 'yong dalawang lalaking naka-shades sa labas?"

"Nasaan?"

Hinanap ko ang tinutukoy ni Jessica na mga lalaki sa labas ng Sophie's Creamery. Nakaupo lang naman sa bench ang isa at may kinakausap sa cell phone ang pangalawa. Wala akong napansing kakaiba sa kanila.

"Last week ko pa sila nakikita diyan. Sa tingin mo kaya, spies sila?"

"Bakit naman magkakaroon ng spies dito? Baka part lang sila ng security team ng The Abbey. Alam mo naman kung gaano kahigpit ang seguridad rito."

"Baka nga," pagsang-ayon ni Jessica at kinalimutan na niya ang dalawang lalaking naka-shades.

Kakalimutan ko na rin sana ang mga lalaking iyon pero ilang beses ko silang nahuling tumitingin sa ice cream parlor. Imagination ko lang ba iyon? Nahawa na ba ako sa pagka-paranoid ni Ezq? After all, naka-shades 'yong dalawang lalaki kaya paano ko masasabi na tumitingin sila sa Sophie's Creamery? Ah baka nga nag-o-overdrive lang ang imagination ko.

The next two days, nakita ko na naman 'yong dalawang lalaking naka-shades. Magkatabi na sila sa bench at nag-uusap na parang normal na magkakilala.

Baka nga pareho silang security at naging friends na sila. Napangiti ako sa naisip ko.

"Eep!" anas ni Norell na nakatayo sa tapat ng window ng ice cream parlor. Day-off ni Jessica kaya kami lang ni Norell ang nasa ice cream parlor.

Nasa cash register ako, busy sa pagsusulat sa ledger. Chicken feed lang sa akin ang pag-aasikaso sa financial records ng business ko. Magaling ako sa numbers.

"Puwede bang pakitanong kay Sophie kung okay lang na istorbuhin siya, miss?"

Parang familiar sa akin ang boses na iyon.

Nag-angat ako ng mukha. Na-surprise ako nang husto. "Kiefer!" Lumapit ako sa kanya.

Parang hindi sigurado si Kiefer sa magiging reaction ko sa pagsulpot niya sa ice cream parlor ko pero nang makita niyang nakangiti ako ay ngumiti na rin siya.

"How are you?"

"I'm doing fine."

Naalala ko si Ezq. Oh no! Hindi siya matutuwa kapag nalaman niyang pinuntahan ako ni Kiefer. Parang gusto ko biglang umatras. Kiefer was a nice guy, but I love Ezq at ayaw kong magkaroon ng dahilan para magalit siya at mag-away kami.

Paano ko paaalisin si Kiefer nang hindi rude ang dating?

Nakatunganga si Norell kay Kiefer. Para iyong icebreaker na muntik ko nang ikatawa. Hindi ko masisi si Norell kung matulala siya, guwapo naman kasi talaga si Kiefer at parang ang bait-bait pa ng itsura niya.

"Hinanap ko ang ice cream parlor mo rito."

"W-why?"

"Para makausap ka nang personal since hindi kita ma-reach sa phone mo."

"Tumatawag ka pala sa akin. Sorry, hindi ko alam. Nasira ang old phone ko. Hindi ko na iyon ginagamit."

Pinalitan ni Ezq ang sirang phone ko ng bagong model ng cell phone na may kasama nang line kaya iba na ang number na ginagamit ko. Iyong dating line ko, pinaputol na niya.

Alam ko na sinadya niya iyon para hindi na ako matawagan ni Kiefer pero hindi ko na iyon ginawang issue. Kung ano ang makakapagpasaya kay Ezq, sinusunod ko na lang. Kapag kasi masaya siya, nagiging matamis ang pagsasama namin pero kapag galit siya, sumasama rin ang lasa ng relasyon namin.

RELENTLESS LOVE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon