Kabanata 35

2.1K 38 0
                                    

Matapos maligo ay nagdiretso kami ni Samson sa baba. Magkahawak kamay kaming naglalakad at hindi alintana ang mga kasambahay na nakatingin saamin. Sa totoo lang ay medyo natatakot ako. Syempre at ang alam nila ay wala na kami, na girlfriend ni Samson si Talia tapos heto at makikita nila kaming muling magkasama at galing pa sa kwarto niya.

"Still sore?" tanong niya at pinanghila ako ng upuan. Kinurot ko ang braso niya at pinanlakihan siya ng mata. Wala nanamang preno ang dila niya! Baka marinig pa siya nila Selene!

"Your mouth! Marinig ka nila."

"English 'yon... 'di nila naintindihan." nginisian niya ako at umupo sa tabi ko. Napatawa na lang ako at muli siyang kinurot.

"Ah Sir, tumawag kanina si Ma'am... pinapatanong kong kamusta daw po tayo. Nabalitaan kasi niyang bumabagyo ngayon dito." anas ni Selene. Sinenyasan naman ni Samson na umalis muna ang ilang kasambahay na narito. Naiwan si Selene.

"Bumabagyo?" nakakunot noong tanong ko.

"Oo, Rosalyn, kanina pa ang lakas ng hangin at ulan sa labas. Mabuti at maagang nakauwi si Sir."

"Ano pang sinabi niya?" tanong ni Samson.

"Wala na po, iyon lang."

"Okay. Iwan mo muna kami."

Linagyan ni Samson ng kanin at ulam ang plato ko. Pinagsiklop ko ang mga daliri at kinagat ang ibabang labi ko. Bumabagyo pala! Hindi pa ako nagpaalam kila Mama, sigurado at hinahanap na nila ako.

"Anong oras na? Hindi mo sinabing bumabagyo pala." linagyan niya ng kanin ang sariling plato. Kumunot ang noo niyang tumingin saakin.

"How would I know? Busy tayo kanina sa kwarto." inismiran niya ako ngunit wala ako sa mood para makipaglokohan sa kanya. I remain serious.

"Hinahanap na ako sa bahay... lalo na si Kuya."

"Are you saying that you should go now?" tumango ako. "I texted Roshan... sabi ko nandito ka sa bahay."

"What? Sinabi mong nandito ako without my knowledge?"

"Yeah? What's the problem ba? I'm your boyfriend... wala naman silang dapat ipag-alala dahil nasa puder kita." nalaglag ang panga ko at hindi makapaniwala sa narinig. What the hell?

"Sinabi mong tayo na ulit?" umiling siya. Nakahinga ako ng maluwag.

"Sinabi kong pinapunta ka ni Mommy dito. Don't worry... bukas na bukas sasabihin kong tayo na ulit. Para naman ano mang oras ay mapupuntahan na kita sa bahay ninyo. And you can stay here as long as you want because I am your boyfriend."

May kung anong sumupil sa dibdib ko sa sinabi niya. Parang sinasabi niyang akin lang siya at pagmamay-ari ko siya. Inabot ko ang kubyertos at tinikman ang ulam. I'm still worrying... paano namin haharapin ang bukas? At si Felix... my God, si Felix. Hindi ko siyang pwedeng iwanan ng walang sapat na dahilan.

"Samson, pwedeng huwag muna nating sabihin sa kanila na tayo ulit? I mean... inaalala ko si Felix, ang parents natin. Magugulat sila." napatigil siya at tumitig sa plato. Kinuha ko ang kamay niya at pinisil ang palad niya. Nakuha ko ang atensyon niya.

"Please? Ayusin muna natin ang problema kay Felix at Talia bago natin sabihin sa kanila. I'm scared."

Napabuntong hininga siya at bigla na lang akong yinakap. Napapikit ako at pinakinggan ang tibok ng puso niya. Kalmado ang galaw niya ngunit hindi ang puso niya. It's beating like a million times every second. And God... I feel the same way too.

"I'm not scared, Rosalyn. Bakit natin itatago kung nag mamahalan tayo? Sila ang dapat matakot. Matakot sila sa kaya kong gawin." dinaop ng palad niya ang pisngi ko at dinampian ng halik ang noo ko.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now