Kabanata 1

4.9K 87 2
                                    

"Ma'am Rosalyn, tawag ka ni Dean sa office niya." mula sa pakikipagkwentuhan kay Ma'am Macato ay napatingin ako sa isang Sophomore student.

"Ano nanaman kaya ang iuutos ni Dean? O siya sige, Ma'am, maiwan muna kita."

"Okay, tawagin mo na lang ako sa desk ko kapag lunch break mo na para sabay tayo." tumango ako at nginitian siya bago tuluyang umalis.

Tinahak ko ang Dean's Office although doon din naman ang desk ko since ako ang secretary niya. A Dean's secretary is my job. Swerte ko nga dahil fresh graduate pa lang ako at na hire na ako kaagad sa trabaho. Anim na buwan pa lang akong nagtratrabaho at mabilis akong nakapag adjust. Mababait ang mga guro dito at isa sa kaclose ko si Daniela. Advantage narin siguro ang age namin since ka edad ko lang siya at isang taon na siyang nagtuturo.

Binuksan ko ang pinto sa Dean's Office. Bubungad ang maliit na lamesa kung saan doon ang working desk ko at sa bandang kaliwa naman ang isang pintuan papasok sa opisina ni Dr. Corpuz. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Sir, pinapatawag niyo daw po ako." bungad ko.

"Ah, yes, kay Mhel since kausap ko siya kanina." lumapit ako sa desk niya. Ipinakita niya saakin ang screen ng laptop niya at tinuro ang isang document.

"Gusto ko sanang ayusin mo ang isang 'yan. Gawa noong isa sa mga studyante ko at madami akong nakitang mali. I'll be working with the papers for the Seminar tomorrow. Pakiprint narin ang isang 'to kapag natapos munang icheck." tinuro naman niya ang isa pang document. "20 copies, Rosalyn, tapos mag pa photocopy ka ng 50 copies. Pakilagay mo na lang sa morocco folder tapos ibigay mo kay Sir Patacsil."

Sinave niya ang dalawang document sa flash drive pagkatapos ay binigay saakin. "I'll need that after 1 hour."

"Okay, Sir." kinuha ko sa kanya ang flash drive bago tuluyang umalis sa opisina niya.

Hinarap ko ang laptop ko at sinaksak ang flash drive sa USB port. Kinopy ko ang file saka binalik kay Dr. Corpuz ang flash drive. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking daliri at itinuon ang pansin sa screen ng laptop. Wala pa mang dalawampung minutong nakatutuk ang mata ko sa laptop ay sumakit na ang ulo ko. Kaya naman ayaw ko talagang humahawak ng laptop dahil nanlabo ang mata ko minsan.

Well, wala naman akong magagawa dahil kailangan ito sa trabaho. Sinuot ko ang eyeglass ko at tinapos na ang ginagawa para makakain na. I'm hungry, really. Kape at tinapay lang ang almusal ko kanina. Pinakita ko muna kay Dean ang ginawa ko at nang okay na sa kanya ay saka ko prinint at pinaphotocopy.

Nang matapos ang trabaho ko ay pumunta ako sa faculty room at binigay ang folder kay Sir Patacsil at tinawag narin si Daniela. Sabay kaming lumabas at dumiretso sa canteen para kumain ng lunch.

"Kakasimula pa lang ng Second Sem pero ang dami ng trabaho. Halos hindi ko na nameet ang dalawa kong klase kanina kakahabol ng mga papers." ani niya habang pumipila kami para makabili ng makakain.

"I feel you," natatawa kong sabi. "Madami ngang pinaayos na file saakin kanina si Dean. Bukas ay may pupuntahan siyang Seminar at sa susunod naman na araw ay Accreditation." sabay kaming napabuntong hininga. This week must be a hell week. Madami pa kaming aayusing mga files para sa Accreditation.

"Hay, hindi ba mahirap ang maging Secretary, Rosalyn? How do you handle Dean's schedule?" ani niya at tinuro ang ulam na gusto.

"I think mas mahirap maging College Professor." tumawa ako at tinuro ang kakainin ko. "Ayos lang naman, atsaka sanay na ako. Mabait naman si Dean, hindi naman ganoon kahirap ang pinapagawa niya. May mga time lang na medyo napapagalitan ako lalo pa at hindi ko nasasabi sa kanya na ganito ganyan. Hay, I think this is a big break for me." nagkibit balikat ako at kinuha ang tray. Si Daniela naman ang humawak ng iinomin namin at humanap ng mapag uupuan. Sa gitna kami umupo. Katabi namin ang lamesa ng mga Engineering Student base sa uniform nilang kulay maroon.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now