Kabanata 44

2.1K 40 6
                                    

"Hindi mo sinabing narito pala parents mo. I thought they were out of town." anas ko habang inaayos ang nagusot kong palda. Sinulyapan ako ni Samson at sinuot ang pantalon niya.

"It doesn't matter."

"Pero narinig ni Tito… nakakahiya." iniwasan ko ang titig niya. Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap kay Tito Michael. God… that was so embarrassing.

"Because you're so loud. Sinabi ko namang tahimik ka lang habang kinakama kita."

"Pero sana sinabi mong nandito sila." tinawanan niya ako at linapitan. Tinagilid ko ang aking mukha. Sana ay lamunin na ako ng sahig para makaalis na dito. Nahuli na nga kami nagagawa pa niyang tumawa. Hinawakan niya ang bewang ko at pinagdikit ang noo namin.

"Hey, it's okay-"

"Samson, it isn't okay. Ano na lang ang iisipin ni Tito?" napabuntong hininga siya at hinaplos ang pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niya, ngumiti ng malungkot.

Paano kung paghiwalayin nila kami? Alam na ba ni Tito na wala na sila ni Talia? Ang alam ko ay hindi. At isa pa ang alam ni Tito ay boyfriend ko si Felix. Hindi magandang ehemplo ang mga nasaksihan niya. Ang mga sigaw ko habang pinapaligaya ako ni Samson sa kama.

"Rosalyn, mahal kita. Mahal na mahal kita. At wala akong pakialam kung narinig man nila tayo kanina. Sasabihin kung tayo na ulit. Just stay with me, okay? Iyon lang ang hinihiling ko."

"I will stay with you, of course! Ang akin lang ay sana sinabi natin sa kanila na tayo na." tumango siya at dinampian ng halik ang noo ko.

"I'm sorry. Pinangunahan ako ng libog ko." hinampas ko siya at sinamaan ng tingin.

"Samson seryoso ako!" humalakhak siya.

"Rosalyn seryoso din ako. Nang sabihin mong wala na kayo ni Felix ay parang nabuhay lahat ng ugat sa katawan ko. You don't know how much I want you that time. Ang isiping akin kana ng buong buo… God, that was beyond ecstasy. I want to stay inside you. I fucked you because that's the only way how to tell you how much I love you and how happy I am." napapikit ako ng halikan niya ako ng mariin.

"You made me so damn happy just by telling that."

Hindi ako sumagot. Ang tangi kong nagawa ay ang tumitig sa kanya. Ang mata niyang punong puno ng pagmamahal. Muli niya akong hinalikan na para bang sinasamba niya ako.

"Change your clothes. Come here," hinila niya ako at dinala sa closet niya.

Hinubaran niya ako pagkatapos ay pinasuot saakin ang pajama at spaghetti strap na damit. Nang masiguro niyang komportable na ako ay saka kami bumaba. Parang nakikipag karera ang puso ko sa bilis ng kabog nito. Ano ang sasabihin ni Tito? Pagagalitan ba niya kami? Kapag nagkataon ay malalaman ito nila Mama. Pagagalitan niya ako.

Nang makababa ay napaawang ang labi ko ng nakita si Isaiah kasama si Abraham. Pati mismo si Samson ay napatigil sa kinatatayuan. Nginisian kami ni Isaiah at napatingin sa magkahawak naming kamay.

"Abraham?" anas ni Samson. Hindi makapaniwala.

"Long time no see, dick." inismiran niya ito bago binaling saakin ang tingin. "Hey there, beautiful."

Humigpit ang hawak ni Samson sa kamay ko at mas hinila pa ako papalapit sa kanya. Kumaway ako kay Abraham at nginitian siya. Wow. Hindi ko alam na makikita namin siya ngayon.

"Have a seat." dinamba nanaman ng kaba ang dibdib ko mag salita si Tito sa kabilang sofa. Pakiramdam ko ay nasa lalamunan ko ang aking puso, bumara kaya hindi na ako makahinga sa sobrang kaba.

"Nangyari sa braso at leeg mo? Puno ng kalmot." anas ni Isaiah at uminom sa basong may alak. Mabilis akong tumingin kay Samson. Kinagat ko ang ibabang labi ng ngayon ko lang mapansin ang bakas ng mga kalmot ko kanina. My God, Rosalyn.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now