Kabanata 13

2.2K 56 4
                                    

"Rosalyn! Dalian mo at nandito na si Felix!" sigaw ni Kuya mula sa labas ng kwarto. Nagmadali naman ako sa pag aaply ng pulang lipstick sa labi ko pagkatapos ay pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan sa salamin.

I'm wearing a high waist short, puting damit na sleeveless at ang sapatos kong kulay puti. Well, magdadate kami ni Felix ngayon at excited na akong makawala dito sa bahay. Kahapon lang dumating si Papa ngunit hanggang ngayon ay hindi parin siya nauubusan ng kwento. Hindi sa hindi kami ineteresado ni Kuya, paano kasi at parang armalite si Papa lalo noong uminom sila ni Kuya kagabi.

Pati nga ako ay isinama nila. Napunta saamin ni Felix ang kwentuhan hanggang sa malasing na silang dalawa. Si Papa kasi... parang binata parin kung umasta although I find it so cute. Hindi kasi siya mahigpit. Huhukayin at huhukayin niya nga lang ang mga nangyari habang wala siya. Hindi pwedeng wala kang masabi sa kanya. Syempre at ayaw niyang inistress namin si Mama. So sweet!

Nang makababa ako ay naabutan ko si Felix at Papa sa sofa na nagtatawanan. Si Mama naman ay may hawak na juice, linapag niya sa lamesa sa harapan nila.

"Bat nakaikili kang short? Palit ka! Mag dress ka." tinaasan ako ng kilay ni Kuya ngunit tinawanan ko lang siya.

Salamat at kinausap na ulit ako ni Kuya. Syempre at pinagbati kami ni Papa, hindi kasi pwede iyon sa pamilya namin... iyong hindi nagpapansinan.

"I'm ready!" napatingin sila saakin. Linapitan ko si Papa at hinalikan ang pisngi niya... ganoon din kay Mama. Nang makalapit ako kay Felix ay siya naman ang humalik sa pisngi ko kaya naman namula ang mukha ko sa simpleng tinuran niya.

"May curfew si Rosalyn, alas otso ng gabi." anas ni Papa at tumayo.

"Pa! Hindi na ako bata," ngumuso ako.

"Kahit pa, Felix iho, alas otso." natatawang tumango si Felix at inakbayan ako. Kainis! Ba't may curfew pa, e, adult na ako.

"Opo, Tito, eight o'clock sharp."

Nagpaalam na kami sa kanila at lumabas ng bahay. Nang nasa tapat na kami ng Jeep Commander niya ay kinintilan niya ng halik ang labi ko. Mabilis akong luminga sa likod at baka nandoon sila Papa. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi sila nakita.

"You're so beautiful, Rosalyn." napangiti ako at parang tumatalon ang puso ko sa sinabi niya. Kinawit ko ang kamay sa leeg niya at hinalikan ang gilid ng labi niya. God. I really missed him!

"You're so handsome, too, Felix." nginisian niya ako at pinagbuksan ng pinto.

Nang umupo siya sa driver's seat ay pinanood ko ang bawat galaw niya. Simpleng red V neck shirt lang naman ang damit niya at ang puti niyang pantalon at sapatos pero napakagwapo na niya. Isama pa ang hikaw niya sa tenga at ang nakataas niyang buhok. His muscles tense every time he moves. Shit. Kilig na kilig nanaman ako sa kanya.

"What?" nakangiti niyang tanong nang mapansin ang paninitig ko sa kanya. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at nang igalaw niya ang manibela ay umubok ang muscle niya.

"You're so freaking hot, Felix." tumawa siya at kinuha ang kamay ko. Linagay niya sa bibig niya at hinalikhalikan.

"So do you, Rosalyn." kinindatan pa niya ako at kinagat ang ibabang labi bago pinakawalan ang kamay ko.

Nang maiparada niya ang sasakyan ay hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pintuan at lumabas. Alas dos na ng hapon at tirik na tirik ang araw. Kinawit ko ang kamay sa braso niya at pumasok sa CSI.

"Nood tayo sine," ani ko. Tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya at hinawakan ang bewang ko. Hindi ko alam kung may maganda bang palabas ngayon. Bahala na. Gusto kong masulit ang araw ngayon. Gusto kong magliwaliw upang marefresh ang utak ko sa nangyari kahapon.

To Be Only Yours Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin