Kabanata 3

2.8K 68 4
                                    

Pagkapasok ko pa lang sa sasakyan ni Isaiah ay mabilis na niya akong binigyan ng tissue. Kinuha ko naman iyon para ipunas sa medyo nabasa kong mukha. Sigurado at nag melt na ang foundation ko. My eyebrow, too.

"Thanks," ani ko. Nginisian niya ako at pinaandar na ang sasakyan niya.

"Wala kang sundo?" napatigil ako at tinignan siya. Tinaasan niya ako ng kilay. Napatapik ako sa noo. Ba't nga pala ako sumama sa kanya kung pwede ko naman siyang tanggihan? Ayaw ko na sana ng kahit ano pang koneksyon sa mga Ortega. Naging mabuti sila saakin pero kailan ko ng umiwas.

"Wala. May trabaho si Felix."

"I see."

Napabuntong hininga ako at tumingin sa labas. Mas lalo pang lumakas ang ulan na halos hindi na makita ang kalsada. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako at nakita niya ako. Kung hindi ay stranded na talaga ako sa shed.

"Kamusta, Rosalyn?" parang tumigil ang paghinga ko sa tanong niya matapos ang mahabang katahimikan. Muli kong binaling ang tingin sa kanya. Nasa daanan parin ang mata niya.

"Ayos lang. I'm fine, Isaiah." napangiti ako ng hilaw.

"Mabuti naman. Oh behalf of my cousin, ako na ang humihingi ng pasensya."

"Isaiah," tumingin siya saakin at ngumiti ng pilit. Parang alam ko na kung saan patungo ang usapang ito. "It's okay. Tapos na, at isa pa, isang taon na ang nakakaraan. I already moved on."

"I know. Gago kasi ang Samson Thomas na 'yon. Tsk. Sarap niyang bangasan. We missed you, you know. Ang buong Ortega."

Natahimik ako at hindi nakasagot. Sabi na nga ba at uungkatin niya ang nangyari noon. I missed the Ortegas, too. Lalong lalo na si Tita Marites. Ang Mama ni Samson. Ni minsan ay hindi nila ako pinakitaan ng pagsusungit. Na kahit malayong malayo ako sa estado ng buhay nila saakin ay tinuring nila ako na parang katulad nila. They are family of politician. Kilala sila sa buong La Union. They are powerful. Noong una akong pinakilala ni Samson sa kanila ay kabadong kabado ako. Nakakaintimidate. Pero habang tumatagal ay natutunan kong mahalin ang family niya.

Isa na doon si Isaiah at isa pa nilang pinsan na si Abraham. They treated me like their sister. Kung mag-aaway man kami ni Samson noon ay ako ang lagi nilang kinakampihan. Ang saya nga noon kasi ka close din nila ang family ko. Kuya Ronnie and Abraham were schoolmate before. Pati si Mama ay ka close si Tita Marites dahil sa salon namin nag papaparlor si Tita.

That was before. Ang alam ko perfect na ang relasyon namin ni Samson. I am so in love with him that time. Legal kami sa parents namin. We're like one big happy family. Sa isang iglap lang ay naglahong parang bula ang lahat. Those are the memories before. Nasaktan man ako ay hindi ko parin nakakalimutan na minsan akong naging bahagi ng Ortega.

"Miss ko na rin kayo. Si Tita Marites, kamusta?"

"Nasa Switzerland siya nagbabakasyon. She's okay. She missed you too. Pinapatanong nga niya kung kailan ka mamamasyal sa bahay."

"Sa family house ng Ortega? Isaiah, alam mong hindi na ako pwedeng pumunta doon." napabuntong hininga ako.

"Hey, si Tita ang dadalawin mo. Not fucking Samson." ani niya ng seryoso.

"Kahit na-"

"Minsan lang kung pumunta doon si Samson. Madalas siyang nasa bahay nila. Atsaka alam ko namang hindi ka pupunta doon kung nandoon ang gago mong ex. You're still bitter, I know." pinanlakihan ko siya ng mata at hinampas ang braso niya.

"I'm driving, Rosalyn!"

"Hindi ako bitter!"

"Chill! Linoloko lang kita." natatawa niyang sabi at niliko ang sasakyan. "I'm glad you already got a new boyfriend. Kaibigan ni Jackson ang bago mo, e."

To Be Only Yours Where stories live. Discover now