Kabanata 40

2K 31 6
                                    

Nang sabihin noong nurse ang numero ng kwarto ni Felix ay mabilis kong tinahak ang hagdan. Nanginginig ang buong katawan ko at mahinang nagdadasal na sana ay ayos lang siya. Nang marating ang tamang palapag at nahanap ang kwarto niya ay mabilis kong hinawakan ang seradura. Pipihitin ko na sana ito upang makapasok ngunit pinigilan ko ang sarili.

Napapikit ako ng mariin at kinalma ang humahangos kong dibdib. It's alright, Rosalyn. It's alright. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tuluyan ng binuksan ang pinto. Ang mabigat na bagay sa dibdib ko ay tuluyang nawala ng makita si Felix na ngayon ay nakaupo sa kama habang hawak hawak ang phone niya.

Lumikha ng tunog ang pinto ng isara ko ito dahilan para mapatingin siya saakin. Ngumiti ako ng pilit ngunit nanatiling gulat ang kanyang mukha.

"Rosalyn?"

Inilang hakbang ko ang distansya namin at kinulong ang sarili ko sa bisig niya. Kumawala ang luha sa mata ko. Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko at napahagulhol ng iyak.

"I'm sorry," ang unang lumabas sa bibig ko. Kumawala siya sa mahigpit kong yakap at hinaplos ang pisngi ko.

"I'm sorry, Felix." umiling siya at pinunasan ang luha sa mukha ko.

"Hey, it's not your fault. Don't blame yourself."

"Felix kasalanan ko kung bakit ka nasaksak. I'm sorry. I really am." nagpunas ako ng sariling luha at pinasadahan ng tingin ang katawan niya.

May puting bandage na nakapalibot sa balikat niya at ilang band aid sa mukha. Pati rin ang kamay niya ay may bandage. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita. Sa mga sugat na natamo niya. Hinaplos ko ang balikat niya. Napadaing siya ngunit hindi ako pinigilan. Dinampian ko ng halik ang bawat sugat sa mukha niya pati narin ang kamay niyang may bandage.

I want to ease the pain by kissing it. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo sa kama.

"Kamusta ang sugat mo? Masakit pa ba? Ba't wala kang kasama?" imbes na sumagot ay tinitigan niya lamang ako. Kalaunan ay umiwas siya ng tingin at humawak sa balikat niya. It must be hurt.

"I'm good." napayuko ako at muling pinigilan ang mapaluha sa malamig niyang boses. I deserve this treatment. Matapos ang kagagahang ginawa ko ay nararapat lang na itrato niya ako ng ganito. He did nothing but to love me. Pero anong ginawa ko? I fooled him. I cheated.

"Where have you been last night? Hindi ka raw umuwi. Saan ka natulog?" inangat ko ang ulo upang makita ang mukha niya.

"Kila Tita Marites," pang aaminin ko. Dumilim ang anyo ng mukha niya at iniwasan ang titig ko.

"Anong ginawa mo doon? Are you allowed to go there? Para saan? Anong kailangan mo sa mga Ortega?" muli niyang binaling ang tingin saakin.

Hindi kaagad ako nakasagot sa sunod-sunod niyang tanong. How am I suppose to answer his questions if I knew that I might hurt him. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at tanging pag-iling ang nagawa ko. Inilisi niya ang kamay ko at ginulo ang sariling buhok.

"Felix,"

"Are you and Samson again? Are you lying to me, Rosalyn? Wala akong nakikitang rason upang matulog ka sa bahay ng ex mo."

Binuka ko ang bibig at sasagot pa lang sana ng biglang bumukas ang pinto. Sabay kaming napatingin doon. Ganoon na lamang ang gulat ko ng makita si Jairus na may dala-dalang paper bag. Nag palipat-lipat siya ng tingin saaming dalawa. Gulat rin siya ng makita ako. Iniwasan ko ang titig niya at binaling ito kay Felix. Iniwasan niya ang titig ko at napalunok ng maraming beses.

Pinagsiklop ko ang mga daliri at napayuko. Napapikit ako at ngumiti ng malungkot. Why is she here? Paano niya nalamang na ospital si Felix? I felt jealousy. Dahil buti pa siya ay nandiyan noong nasaksak si Felix.

To Be Only Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon