Kabanata 12

2.2K 47 4
                                    

Wala kaming imik ng makapasok kami sa sasakyan niya. Bumuntong hininga ako at binaling ang tingin sa labas. What the hell just happened? Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko. Bakit ako nagpahalik sa kanya? Rosalyn, may boyfriend kana, may girlfriend na siya. God. Nagiging mapusok nanaman ako! Hindi ko nanaman ginagamit ang utak ko at nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko!

Nabasag ang katahimikan sa pagitan namin ng tumunog ang Iphone niya na nasa cup holder. Sinulyapan ko siya ng mukhang wala siyang balak na sagutin iyon. Bumuntong hininga siya at tinignan kung sino ang tumawag.

Umiwas ako ng tingin at mas siniksik pa ang katawan ko sa upuan. Hindi pa ba kami makakarating... gusto ko ng umalis... malayo sa kanya. God. Kahibangan ito.

"Hello?" ani niya ng sa wakas ay sagutin na niya ang tawag. Nagulat na lang ako ng nakaloud speaker 'yon kaya naman rinig na rinig ko ang boses ni Talia sa kabilang linya.

"Samson! Where are you? Kanina pa kita tinatawagan," malungkot ang boses niya. Shit. Mas lalo tuloy akong naguilty.

"Where are you? What happened? Hindi ba't magkasama kayo ng Kuya mo?"

"I got bored, e, nandito ako sa uhm... Cuayzon's Salon? Iyong pinuntahan natin kaninang ihatid natin si Tita." mabilis akong napatingin kay Samson. Umigting ang panga niya at pansin kong humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.

Anong ginagawa niya sa salon namin? My Goodness! Paano kung makita niya kaming magkasama.

"Anong ginagawa mo diyan? Sinong kasama mo?"

"Ako lang... pero nandito pinsan mo, si Isaiah. Mukhang may hinihintay siya e."

"Okay, hintayin mo ako. Please lang, Talia, huwag kang malikot diyan." humagikhik ito at kilig na kilig sa sinabi niya samantalang iritado na si Samson.

"Hey! I'm not makulit ah! Ingat ka, okay? I love you!" umiwas ako ng tingin.

"Okay. I love you too."

Parang may punyal sa puso ko sa narinig. Then it hit me, hinalikan niya ako tapos mag papalitan sila ng matamis na salita sa harapan ko... sa girlfriend niya. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Ano, Rosalyn, babalik ka na naman ba sa dati! May kasintahan na ang ex ko tapos nagpahalik pa ako sa kanya! Nag-iinit ang sulok ng mata ko.

He really loves Talia, but why did he kissed me? Ba't niya ako hinalikan kung alam niyang magagalit si Talia sa kanya kapag nalaman niya 'yon. And then Felix! Oh my God, Rosalyn!

Mabilis akong bumaba ng sasakyan niya ng makarating kami sa salon. Tumahip ang matinding kaba sa dibdib ko ng makita si Talia sa may sofa. Sumilay ang ngiti sa labi niya ng tumingin siya sa direksyon ko. Ang buong akala ko ay lalapitan niya ako ngunit linagpasan niya ako at yinakap si Samson na nasa likuran ko lang pala.

"I miss you!" malambing ang boses niyang sabi at lumambitin sa leeg ni Samson.

Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita. Tinignan ako ni Samson habang yakap yakap si Talia. Umiwas ako ng tingin at pumunta sa may counter. Nginitian ko ng pilit si Isaiah ngunit isang makahulugang titig ang binigay niya saakin. Don't give me that look... oo, nag papaka masokista nanaman ako. Putangina kasi! Matapos niya akong halikan ay mag yayakapan sila sa harapan ko!

"Saan kayo galing?" bulong niya sa tenga ko. Marahil ay ayaw niyang marinig ni Talia ang usapan namin.

"Bahay nila... may pinakuha Mommy niya." he narrow his eyes on me... para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "Ask him,"

"Saan ka galing? Ang cool pala dito." ani Talia na nakaagaw ng atensyon namin ni Isaiah. Nang makita niya ako ay nanlaki ang mata niya at dumungaw sa may counter.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now