Kabanata 5

2.5K 67 4
                                    

Ako:
Felix nasaan ka na? Makakadalo ka pa ba? I'm alone here :(

Sinend ko ang mensahe ko kay Felix at nagkunwaring kinakalikot ko ang aking phone habang nakikinig sa usapan ni Samson at Talia. Diring diri ako sa topic nila at gusto ko ng umalis dito ngunit hindi ko magawang ikilos ang paa ko. Come on, Rosalyn! Umayos ka! Napabuntong hininga ako. Hindi pa ba makakabalik si Isaiah! Siya na nga lang ang kausap ko dito ay iiwan pa ako.

Napapikit ako ng mariin ng marinig ang halakhakan nila Talia kasama ang pinsan ni Samson. Pati sila Tita Marites ay nakikisama sa usapan nila. Kung ganoon ay kaclose na nga niya ang buong Ortega.

"Ma'am Rosalyn," tinabi ko ang aking phone ng banggitin ni Talia ang pangalan ko. All eyes on me. Nginitian ako ng malungkot ni Salve na kapatid Abraham. I smile back and dart my eyes to Talia. Hindi ko mahinuha ang nais iparating ng mga ngiti nila. Hindi ko rin alam kung bakit hindi nila ako kinakausap. O baka naiilang sila saakin matapos ang isang taon naming hindi pagkikita.

"Bakit, Talia?" hinawakan niya ang kamay ni Samson. Hindi ito pumalag ngunit ang kanyang tingin ay nasa pagkain.

"Uhm... kakilala mo pala ang mga Ortega?" nagsinghapan sila at umiwas ng tingin. Sandali ring napatingin saakin si Samson ngunit kaagad ding umiwas.

Kinagat ko ang ibabang labi. Namamawis na ang palad ko at hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya. Kung ganoon ay hindi nila ako nababanggit sa kanya? Na may nakaraan kami ni Samson? Sasagot pa lang sana ako ng unahan ako ni Isaiah.

"She's a friend of mine, Talia." ani niya at umupo sa tabi ko. Thank God at dumating na siya!

"Oh! I see, kaya pala close kayo."

"Tss. Stop asking question, Talia, eat your food." napatingin naman kami kay Samson ngunit inirapan niya lang kami. Bakit niya ako tinatago sa girlfriend niya? I mean, bakit hindi niya ako nabanggit kay Talia? Takot ba siyang malaman ng girlfriend niya na may nakaraan kami?

"Hi," napabalikwas naman ako ng may humalik sa nakalantad kong balikat at yinakap ako mula sa likuran kahit nakaupo. Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mata ko ng makita si Felix.

"Felix!" napatayo ako at lumambitin sa leeg niya. Tumawa siya ng mahina at linagay ang kamay niya sa bewang ko. Pinaliguan pa niya ng halik ang gilid ng labi ko.

"I miss you," nang humiwalay ako sa kanya ay dinampian naman niya ng halik ang noo ko. Namula ang mukha ko at nagpigil ng ngiti. God! Thank God at nandito na siya.

"Hindi ka nagrereply. Akala ko hindi ka na darating." tumawa nanaman siya ng mahina at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

"Sorry. Inayos pa kasi namin 'yong nasira sa planta."

"Ehem!" napahiwalay naman ako sa kanya ng tumikhim si Isaiah. Nakaramdam ako ng hiya ng mapanood nila ang paglalambingan namin. Laglag ang panga nila ng makita si Felix. Lalong lalo na ang mga pinsan nila.

"Good evening," magiliw niyang bati at hinapit ako papalapit sa kanya. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila. Kitang kita kasi sa mukha nilang gulat sila. Syempre at hindi nila alam na may bago na akong boyfriend. Takang taka nga ako kung bakit alam ni Tita Marites na boyfriend ko si Felix. Siguro ay nabaggit ni Isaiah.

"Iho, kanina ka pa hinihintay ni Rosalyn. Mabuti at dumating kana." ani Tita Marites.

"Oo nga po, e, miss na miss na niya ako." kinurot ko ang braso niya ngunit nginisian niya lamang ako.

"Uhm... excuse lang po saglit ah, aasikasuhin ko lang po boyfriend ko." Gusto ko na talagang umalis dito. Ayoko sa tingin ni Samson kay Felix. Parang nag-aalab ang mata niya sa galit. Pero imposible, bakit naman siya magagalit? He got a new girlfriend. May bago na rin ako. Bakit ang talim niyang tumingin kay Felix?

To Be Only Yours Where stories live. Discover now