Kabanata 45

2.2K 33 3
                                    

"Samson?"

"Hmm?" napamulat ng mata si Samson at hinuli ang kamay kong naglalaro sa kanyang dibdib. Dinala niya ito sa batok niya at mas humigpit ang yakap sa bewang ko. Dinampian ko ng halik ang labi niya at pinagmasdan ang gwapo niyang mukha.

"What is it, Rosalyn?" minulat niya ang isang mata.

"Are you really going to marry me?"

"Will you marry me, Rosalyn?" I frown. Humalakhak siya at tinungkod ang ulo sa kamay.

Matapos ang nangyari kanina ay iniwan kami nila Mama. Basta na lang niya akong hinila at dinala dito sa kwarto. We cuddled and talked.  Ilang minuto na siguro ang nakalipas pero hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya kanina.

"I'm serious."

"Well, I'm serious, too." hinawi niya ang buhok sa dibdib ko at pinagmasdan ang mukh ko.

"Pero ayaw ni Tito saakin." napabuntong hininga siya at itinuon ang pansin sa kisame. Tumitig siya doon ng ilang sandali bago sumagot.

"Hindi niya ayaw sa'yo, Rosalyn. Hindi ba't iyon ang sinabi niya kanina?"

"Pero-" hindi na niya ako pinatapos at dinampian ng halik ang labi ko.

"Ang gusto niya ay ayusin ko ang gusot kay Talia. I want to talk to her parents, too. May negosyo pa akong dapat ma-i-deal sa kanila."

"So you're going to talk to her?" iniwasan niya ang titig ko at hindi nakasagot.

Napatulala ako sa nakatagilid niyang mukha. Sa isang iglap ay muli nanamang nilakumos ang puso ko. Ang isiping pupuntahan niya si Talia at kakausapin ay parang gusto kong magwala. If I could tuck him on my side, gagawin ko. I don't want him near Talia. Para saan pa at kakausapin niya ito? God. Ako na ang girlfriend niya ngayon. Tapos na ang sa kanila ni Talia.

"Hindi siya ang kakausapin ko, ang parents niya."

"Ganoon din 'yon." hinarap niya ako at linagay ang ilang hibla ng buhok sa tenga ko.

"My girl is being possessive."

"And jealous." dugtong ko sa sinabi niya. Ngumiti siya at muling dinampian ng halik ang labi ko.

"You got me on my neck  and knees, Rosalyn. Please, huwag ka ng magalit. It's just pure business."

"Paano kung mag take advantage siya?"

"That will never going to happen, okay? Kung ang ikinakatakot mo ay ang makuha ako ni Talia… well crap it. Dahil kahit ano man ang gawin niya ay wala na kami. You are my girlfriend now and I'm going to marry you." anas niya.

Hindi ako sumagot at nakipagsukatan ng titig sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi ko alam kung paano haharapin si Talia bukas. Sa loob ng isang linggo ay limang araw ko siyang nakakasalamuha. And it's so hard to face her like nothing's happen.

"Okay." napapikit ako ng halikan nanaman niya ako ng mariin. Gustong gusto ko talaga kapag hinahalikan niya ako. Isang halik sa bawat bigkas ng labi niya. Isang halik at napapanatag na ang loob ko.

"I love you."

"I love you too."

Bumangon siya at pinulot ang damit niya sa sahig. Nagtaka ako sa ginawa niya kaya naman napabangon nadin ako.

"Saan ka pupunta?"

"I have to go. Lumalalim na ang gabi."

"I thought you're going to sleep here." nginisian niya ako at tinungkod ang kamay sa kama. Kinagat niya ang ilong ko at pinitik ang noo.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now