Kabanata 20

2.2K 50 2
                                    

Nang ibaba niya ako sa sahig at pakawalan ang bewang ko ay mabilis akong pumuslit. Ngunit bago ko paman mahawakan ang seradura ay nahuli nanaman niya ang bewang ko.

"Tangina naman, Rosalyn! Dito ka lang sabi!" umiling ako.

"Uuwi na ako! May trabaho ako bukas!"

"I don't fucking care! Mag uusap tayo ng masinsinan."  hinila niya ako at pinaupo sa kama. Nanlilisik ang mata kong tumingin sa kanya ngunit inismiran niya lamang ako.

Nagtanggal siya ng damit, hinila niya iyon mula sa batok at tinapon sa sahig. Umiwas ako ng tingin. Napakakalat parin niya! Nang tumunog ang belt niya ay muli akong tumingin sa gawi niya. Nanlaki ang mata ko ng naka brief na lang siya sa harapan ko. Oh my God!

"Ba't ka naghuhubad!" singhal ko. Umiwas ako ng tingin. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko ng masilayan ang bawat biyak ng muscle niya sa katawan. Shit. He's so freaking hot!

"It's my room… what's the matter?" sinundan ko siya ng tingin ng buksan niya ang walk in closet niya. Nang tumingin siya saakin ay tinagilid ko ang mukha. Nasabi ko na bang buong buo ang pagkakahulma ng pang-upo niya? He really do have a fine ass! Ang puti pa ng legs niya. Oh my God, Rosalyn!

"Wala tayong pag-uusapan. Aalis na ako." akmang tatayo na ako ng inilang hakbang lang niya ang distansya namin at hinawakan ang palapulsuhan ko. Nagiigting ang panga niya at salubong ang kilay.

"Ano ang hindi mo naintindihan sa sinabi ko, Rosalyn?"

"Naintindihan ko lahat, Samson. Kaya kung maari sana ay bitawan mo ako at uuwi na ako." he groan in frustration. Napahawak siya sa batok at minasahe iyon. Muli akong umiwas ng tingin.

Napakaganda ng katawan niya! What a landscape… para siyang modelo sa isang magazine. Ang bawat umbok sa braso niya at ang katawan niyang animoy lubak na daanan, kung sasakyan lang ako at dadaan sa katawan niya ay siguradong tatagilid ako. Parang humps ang abs niya!

"Halika nga dito!" halos matalisod na ako ng hilain niya ako papuntang walk in closet niya. Sinara niya 'yon at sinandal ako pader. Natabunan ang mukha ko ng mga nakahanger na long sleeves ngunit bahagya niya iyong hinawi.

"S-Samson," dinamba ng kaba ang dibdib ko ng titigan niya ako. Sa pagkakataong ito ay hindi ko nagawang iwasan ang mata niya. Tila ba hinihila niya ako at hinihipnotismo.

"Rosalyn… Rosalyn, tangina, Rosalyn. What are you doing to me?" parang isang musika sa pandinig ko ang sinabi niya. Tinungkod niya ang isang kamay sa gilid ng ulo ko at mas lumapit saakin. He sandwich me against the wall.

"L-lumayo ka!" ngunit hindi niya sinunod ang sinabi ko. Napasinghap ako ng haplusin niya ang ibabang labi ko. Hiniwalay niya ang lower lip ko sa upper lip. Nagharumentado ang sistema ko at naginit ang paligid.

"Your chest quickens… you're affected. Tell me, Rosalyn, apektado ka parin sa presensya ko." kumawala ang mga tigre sa sikmura ko.

"Hindi, bitawan mo ako."

"Ayoko." nagsalubong ang kilay ko ng tumawa siya at kinagat ang ibabang labi.

"You're drunk!"

"So?" inismiran niya ako at pinagpatuloy ang paghaplos sa labi ko. "Ang lambot ng labi mo, Rosalyn, sarap kagatin."

"Bitawan mo ako sabi!" umiling siya. Nanlaki ang mata ko ng dilaan niya ang labi ko. What the hell!

"Anong ginagawa mo! Manyak ka!" hinampas ko siya at tinulak ngunit mas lalo lang lumakas ang tawa niya. Jesus! Kailangan ko na talagang umalis dito!

"Rosalyn, pahalik naman."

"Ano? Anong tingin mo sa labi ko? Bas-"

"Masarap. Masarap ang labi mo. Sige na, Rosalyn, patikim ako."

To Be Only Yours Where stories live. Discover now