Kabanata 26

2K 40 7
                                    

Tinapos ko ang paglalagay ng lipstick sa labi ko pagkatapos ay inayos ang kilay ko. Tumayo ako at linabas mula sa closet ang kulay puti na spaghetti strap kong damit. Napahinto ako ng biglang tumunog ang phone ko na nasa lamesa. Naibagsak ko ang aking balikat ng makitang tumatawag si Felix. Okay… I thought it was Samson. Napabuntong hining ako, linunok ang nakabara sa lalamunan ko bago sinagot ang tawag niya.

"Hello?" bungad ko. Pinasigla ko ang aking boses.

"Hey, are you done? Malapit na ako sa bahay ninyo."

"Yup, tapos na ako. Magsasapatos na lang." inipit ko ang phone sa tenga at balikat ko. Umupo ako sa kama at sinuot ang kulay puti kong sapatos.

"Okay. Can't wait to see you, Rosalyn. I love you."

"Ingat ka, mahal din kita."

Pinindot ko ang end button. Sinintas ko ang sapatos pagkatapos ay sinuot ko naman ang damit na linabas ko. I'm wearing a black high waist jeans, pinatungan ko ng long sleeve na kulay red ang spaghetti strap ko, tinali ang dulo sa tapat ng pusod ko. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ko sa salamin. Sinukbit ko sa balikat ang sling bag ko pagkatapos ay lumabas na ako.

Kinagat ko ang ibabang labi habang hinihintay si Felix. What am I doing? Monthsary namin at mag dadate kami pero mas excited akong makasama mamaya si Samson. Am I doing the right thing? Tama ba itong ginagawa ko o kaya ay isa nanamang pagkakamali.

Aminado naman akong nagugustuhan ko ang ginagawa ni Samson pero nag dadalawang isip parin ako. Kung babalikan ko siya at makikipaghiwalay kay Felix. Paano kung saktan nanaman niya ako? Sa tabi ni Felix ay hindi ako masasaktan, pero kapag kay Samson… palaging may doubt. God. Ayokong pakawalan si Felix pero gusto kong makasama si Samson.

Ngumiti ako ng makita ang paparating na sasakyan ni Felix. Nang huminto ito sa tapat ko ay kaagad akong pumasok. Bumungad saakin ang bouquet ng bulaklak. Tumawa ako ng mahina at kinuha 'yon sa kanya.

"Happy monthsary, Rosalyn." parang tumalon ang puso ko sa lambing ng boses niya. Linapit ko ang mukha sa kanya at hinalikan ang pisngi niya.

"Thank you! Happy monthsary din." Napahagikhik ako ng kagatin niya ang ilong ko. He's always sweet and gentle.

"How was Hardin?" tumawa ako sa klase ng tanong niya at inamoy ang bulaklak.

"Okay naman siya. Katabi ko kagabi, mabuti at nagkasya sa maliit kong kama."

"Talaga? Mabuti naman kung ganoon." nakangiti niyang sabi.

Hindi ako sumagot at tinitigan ang nakatagilid niyang mukha. Hindi ko kayang saktan at pakawalan si Felix sa totoo lang. I love him, really. Pero may nagtutulak saaking manatili kay Samson. I want to give him a second chance… I'm still thinking. Hindi porke't kasi mabuti na ang pakikitungo ko sa kanya ay ayos na ang lahat. Nawalan na ako ng tiwala sa kanya… and I want him to gain my trust first. Hindi iyong konting halik lang niya ay bumibigay na ako.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala 'yon sa labi niya. Nandoon parin 'yong spark kapag ginagawa niya ang mga ganitong bagay. Minsan na itong pinaramdam saakin ni Samson, pero wala parin yatang makakatalo sa karisma ni Samson saakin.

Biglang tumunog ang phone niya sa cup holder kaya naman napatingin ako doon.

Calling Jairus

Kumunot ang noo ko. Sino si Jairus? Wala akong natatandaang may kaibigan siyang Jairus ang pangalan.
"Hindi mo ba sasagutin?" umiling siya at pinatay ang phone niya. Kasabay noon ang pagseseryoso ng mukha niya at pansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela.

Hindi na lang ako umimik at itinuon ang pansin sa labas. Okay… bigla akong kinabahan. Kung katrabaho kasi niya iyon ay talagang sasagutin niya. Sino ba si Jairus? Babae ba siya o lalaki? Gusto kong mag tanong ngunit tinikom ko ang aking bibig. Ayokong sirain ang araw namin.

To Be Only Yours Where stories live. Discover now