81: RUN!

74.3K 608 79
                                    

This chapter is dedicated to you my dear @yuecambria. Thanks for reading, natuwa talaga ako sa istorya ng buhay mo, salamat sa pagshare! Mwa!

 Baka kamuhian nyo ako sa chapter na to, patawad in advance po. Look at the right side, nakakaluha ang itsura ni Mikemylabs.

---

Be strong now, because things will get better. It may be stormy now, but it can't rain forever.

PREVIEW:

"Gab tandaan mo, kahit anong mangyari mahal na mahal kita.."

Chapter 81: RUN!

Gab's POV

Flashback..

Nagising ako na hindi pamilyar ang lahat, magulo ang paligid at sobrang tahimik. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko nagawa dahil nakatali ang dalawang kamay ko sa magkabilang sulok ng headboard kung saan ako nakahiga, tanging mga paa ko lang ang hindi nakatali.

Nasaan ba ako?

Bigla kong naalala ang nangyari, ang sapilitang pagkuha sakin ng lalakeng hindi ko kilala, pero kung paano ako nakatulog, yun ang hindi ko alam.

"Mike??!!" sigaw ko.

Natakot ako ng biglang lumapit ang isang lalake na hindi ko kilala. May hawak syang baril at mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang mukha.

"Ang ingay mo naman miss beautiful.." nakangising sabi nya na mas lalong ikinatakot ko.

Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa hita kaya nagpumiglas ako, "Don't touch me! I said don't touch me!" sigaw ko pero patuloy pa din sya sa paghaplos sa dalawang binti ko.

Lord, please help me. Please Lord..

"You're bastard! DON'T TOUCH ME!!" napaiyak na ako dahil sa ginagawa nya. Nakakatakot sya, sobrang nakakatakot sya.

"Gago ka!" natigil sya sa ginagawa nya ng sumigaw si.. Erosh??!!

Yes! Thank God dumating sya!

"Hayop ka! Sino'ng nagsabing hawakan mo si Gab?!!!" galit na sigaw nya, agad namang natahimik yung lalake at napayuko. "Alis!" utos ni Erosh.

"Erosh tulungan mo ako, please.." umupo sya sa tabi ko at kinalagan ang isang kamay ko.

"Boss anong balak mo?"

Ha? Boss? Balak? Si Erosh? Ang..

"Wala kang pake! Mamaya dadating na ang kapatid ko"

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon