Liar 18: Emergency

58.7K 1.6K 267
                                    

Princess Light's POV

Nanatili kaming nakatitig sa isa't-isa at bakas na bakas ang gulat at takot sa mata ni Lian at Tim. Ang mga tingin na hatid nila ay nakapagdala ng kakaibang pakiramdam ng kuryosidad sa akin. Hindi mo kasi matutukoy kung sinsero ba ang pagkakagulat nila o isa lamang iyong pagpapanggap. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya't hindi din ako makapagsalita, at binigyan lamang sila nang malalamig na titig.

"A-Ayah..." Nauutal na banggit pa ni Lian na tila hawak hawak ang braso niyang tinamaan ng balisong ko kanina. Hindi ko pinansin ang pagkakatawag niya sa akin, at ipinukol ko ang aking paningin kay Tim-Tim. Noong mga sandaling lingunin ko siya ay nagtama ang paningin namin at agad siyang nag-tatakbo papalapit sa akin.

"I-I-Incess." Nanginginig na sambit pa niya na tila hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita. Napaiwas naman agad ako ng tingin lalong lalo na noong hamplusin niya ang aking pisngi. Bagaman hindi ko kita ang mga mata niya, alam kong sinsero siya dahil sa pakiramdam na hatid niya.

"T-Totoo ba itong n-nakikita ko?" Humahangos na wika pa niya. Imbis na tumugon ay unti-unti kong inalis ang kamay niya sa mukha ko. Lumayo din akong unti-unti dahil baka hindi ko matantya ang kaya kong gawin sa kanilang dalawa ni Lian.

Punong puno ng katanungan ang isip ko. Bakit sila nandito? Sila ba ang mga pinuno noong sumusunod sa amin kagabi? Anong pakay nila? Sunod-sunod ang mga katanungang iyon sa isip ko subalit hindi magawa ng bibig ko ang umimik.

"I-Incess, miss na miss ka na namin, bakit mo ba kami iniwan?" Narinig ko ang basag na boses ni Tim-Tim ngunit hindi ko siya nilingon at tumingin ako kay Lian nakita kong nakatungo siya at iniinda ang natamo niyang sugat. Tiningnan ko si Tim at saka humugot ng malalim na hininga. "Follow me." Maawtoridad na banggit ko at saka tumalikod.

Bago pa man ako makatalikod ng tuluyan ay nahagip ng paningin ko si Gab-Gab na naka-ngisi habang umiiling-iling. Hindi ko alam, pero kakaibang kaba ang dulot noon sa akin. Parang nahigop ko bigla ang aking hininga dahil sa simpleng ginagawa niyang iyon. Nakakakilabot. Hindi ko na lamang iyon pinansin at nag-simula na din akong maglakad at saka ko naramdman ang presensya na tumabi sa akin.

Nilingon ko iyon at nakita ko si Gab na nakatingin sa akin. Bumilis agad ang tibok ng puso ko dahil sa tingin niya. Halos panlamigan ata ako sa lamig ng mga titig na iyon. Sa isang iglap, parang nawala iyong Gab-Gab na kasama ko kahapon, nawala iyong Gab na punong puno ng emosyon ang mga mata at pakiramdam ko ang kasama ko ngayon ay isa na lamang walang buhay na bato.

"Seems like this daydream is over." Mapait na banggit pa niya, at naramdaman ko na tila pumipihit na sakit sa puso ko at kasabay noon ang tila isang matinding pagkakaupog ng sarili ko sa isang pader. Isang pahiwatig na dapat na akong gumising sa isang munting panaginip na hatid niya.

Sumilay na lamang ng kusa ang mapait na ngiti sa labi ko. Seems like this daydream is really over, but... why now? Bakit ngayon pa kung kailan ayaw ko nang magising? Napapaglaruan nanaman ako ng kamay ng tadhana. Hindi pa ako nasanay.

Hindi nagtagal nakarating kami sa tinutuluyang bahay namin ni Gab-Gab. Pumasok doon sina Lian at Tim-Tim ng walang imik imik dahil marunong silang makiramdam na kapag hindi ako nag-tanong wala silang karapatang mag-salita o mag-paliwanag. Pilit ko din munang klinaro ang isip ko nang sa gayon ay maayos ang pag-uusap namin mamaya.

Papunta na sana ako sa isang kwarto upang kumuha ng first aid kit dahil madami dami ding galos ang nakuha nina Lian at Tim mula sa amin ni Gab, ngunit napansin ko na lamang na pababa na si Gab mula sa hagdan habang dala-dala ang mga iyon.

Walang tingin tingin siyang dumiretso sa dalawa at walang karespe-respetong ibinato iyon. Napaka-pabalang noong ginawa niya at halata mong nabastusan si Tim-Tim dahil doon. Unti-unti na lamang akong napa-iling at marahang sumilay ang ngiting demonyo sa labi ko.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now