Liar 44: The Fire of Rebirth

51.4K 957 87
                                    

Note: Sorry for all the errors. Madami dami yata, hindi ako nagback read. 16K words! Grabe, kailangan ko magpahinga, may test pa ako. HAHAHA. Anyways, enjoy reading! Comment naman kayo, todo effort ako lagi oh. :(

PS: THE END IS NEAR.

44: The Fire of Rebirth
Princess Light's POV

"I am not Empress Gloom Smith. I am Vianca Zianna Martinez... or should I use Morbelque?" Walang kagatol gatol na ungkat niya habang nakatingin nang seryoso sa akin—sa amin.

Nagkaroon nang mahabang katahimikan dahil doon. Tila ba may salaming nabasag at wala kaming magawa kung hindi tingnan iyon nang hindi makapaniwala. Nanlamig ang buong paligid. Hindi nila maiproseso sa mga utak nila ang sinabi niya.

Naramdaman ko din ang pagkakakapit ni Gabriel sa akin na para bang tinatansya kung maayos lamang ako, at handang handa na siyang alisin ako sa lugar na ito dahil alam niyang maaring ikasama ng katinuan ko. Pero hindi...

Imbis na masaktan... Imbis na malito... At imbis na magalit... Naliwagan ako. Parang lahat lahat nang duda na ako lamang ang nakakapansin at pati na din ang mga tanong na hindi ko maisaboses ay nasagot nang lahat sa sinabing iyon ni Glo—Vianca.

Kaya pala...

Kaya pala... pakiramdam ko malapit siya sa akin, pero walang lukso nang dugo.

Kaya pala...nagtatakha ako kung bakit pamilyar siya pero ang layo nang ugali niya sa ate ko.

Kaya pala...kahit sinabi niya noong si Gloom siya at naniwala ako, parang may kulang pa din, parang may hindi pa din tamang piraso sa isang palaisipan sa aking isip.

Kaya pala...kahit naniniwala na ang utak ko at tanggap na niya ito, may puwang pa din sa puso ko.

Kaya pala...

Napaub-ob na lamang ako sa sarili kong mga kamay. Nanginginig ang buong sistema ko. Subalit, may parte sa akin na nakahinga nang maluwag, dahil iyong ate ko... Matagal nang nasa payapang lugar at hindi na kailanman makakaranas muli ng kahit anong sakit.

Ayaw kong maranasan niya itong mga nararanasan ko ngayon. Ayaw ko noon. Kaya naman sa sandaling ito, may parte sa akin na nagpapasalamat na matagal nang tahimik ang ate ko. Kahit may parte sa akin na nanghihinayang dahil gusto ko pa din siyang masakama...

"Magsalita ka Ayah—Princess. Magalit ka, kasi umasa ka nanaman..." Narinig ko ang munting hinaing niya sa akin, kaya't natanggal ko ang kamay ko mula sa aking mukha. Tiningnan ko siya at doon ko nakita ang luha niyang walang humpay sa pagtulo na tila nag-uunahan pa.

"Matagal na akong may kutob na hindi ikaw si Ate..." Hinihingal na simula ko, na siyang ikinagulat nilang lahat. "Kaboses man o kamukha... May kakaiba pa din." Nahihirapang patuloy ko pa.

"Tell me... Is it mom?" Nauutal na tanong ko pa sa kaniya, para makumpirma ko na ang hinala ko nitong nakaraan. Gusto kong marinig ngayon na para matapos na ang lahat lahat. Siguro nga panahon na para palayain ko iyong kapatid ko.

Hinawakan ako nang nanginginig at nanlalamig na kamay niya. Tumungo pa siya na parang nanghihingi ng tawad. Kasabay din noon ang marahang paggalaw ng ulo niya na nagpapahiwatig nang pagtango mula sa aking sagot.

Kumabog nang sobra ang puso ko dahil doon. Totoo nga... Totoo nga ang nakita ng mga mata ko noon... At totoo din ang mga narinig ng tainga ko noon.

"A-Anong i-ibig mong sabihin I-Incess?" Hindi makapagsalita si Lian nang maayos at nagpuputol putol ang tinig niya dahil paniguradong mayroon na siyang nabuong simpleng analisasyon mula sa naririnig niya sa amin.

Liars CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon