Liar 29: Fight

58.7K 1.4K 211
                                    

29: Fight
Lian Analiz's POV

Naglalakad ako nang pabalik balik mula sa kwarto na tinutuluyan ko dito sa Apocalypse Lair at saka sa pinto palabas ng kwarto na ito. Kagat kagat ko na din ang kuko ko sa hinalalaki ng kamay ko, dahil sa kaba.

Ugh. Lian Analiz Valle, come to your senses. Gather your freaking courage and talk to Nate—talk to your brother!

I scolded myself, but really it doesn't even have a tiny bit of effect. Kinakabahan pa din ako at hindi iyon maikakaila. Pakiramdam mo nga may anxiety disorder na ako dahil sa matindi at hindi mawala walang kaba sa buong sistema ko.

Noong pagkagising ko nga kaninang umaga dito sa lugar na ito ay takot at tensyon agad ang naramdaman ko. Napakatahimik at napakaorganisado ng mga bagay dito. Karaniwan ito ang gustong gusto kong atmospera, ngunit iba na ang usapan ngayon. Kahit katiting ay hindi ko maatim ang pakiramdam dito dahil sa kakaibang hatid ng lugar na ito sa emosyon ko.

Siguro nga, epekto ito ng pagtatago ko ng lihim na magkapatid kami sa ama ni Nate, at ako naman na si nadala ng tensyon kagabi, ibinulgar na lamang ang lahat ng hindi nag-iisip.

That was the most freaking irrational and the most freaking unreasonable statement I've ever made last night!

Nadala ako ng takot at halo halong emosyon na hindi na ako nakapag-isip ng matino, at noong nakaharap ko pa si Princess na sobra sobra ang talas ng tingin sa akin ay parang gumuho ang mga itinayo kong pang-protekta sa sarili ko dahil lamang sa nakakaintimidang mga titig niya.

Basta ang alam ko na lamang sa isang iglap, dahil sa sinabi niya, parang bigla na lamang sumabog ang lahat lahat sa akin kaya't nasabi ko ang nililihim ko nang hindi nag-iisip ng maaring resulta o kung ano pa man.

Damn, Princess' dark and powerful words crept up inside my head like a lethal weapon. Also, the addition of her dangerous gaze—scared the hell out of me. Big time.

Napapikit na lamang ako nang napakadiin dahil sa iba't-ibang isipin at sari saring alalahanin na pumapasok sa utak ko, ngunit parang wala pa din akong naproproseso. Blanko ang utak ko ngayon, at balisang balisa ang buong katawan ko. Agh.

Gusto kong puntahan si Nate, gusto kong magpaliwanag sa kaniya. Gusto kong sabihin sa kaniya ang mga nalalaman ko tungkol sa pagkatao ko, at kung paanong kapatid niya ako sa ama. Dahil kahit pagbali-baliktarin ko man ang tatsulok, tatlo pa din ang dulo nito. At kahit anong tanggi ko, karapatan pa din naman ni Nate malaman ang katotohanan sa akin.

Ayaw kong dumagdag sa gulo, pero wala akong magawa lalo na ngayon at kasali na ako sa gusot na ito.

I could feel my heart racing and my ragged breathing seems to make me anxious more than I could ever think of.

Naglakad na lamang akong muli patungo sa pinto at hinawakan ko ang knob noon habang nanginginig ang aking kanang kamay. Napahawak pa ang kaliwang kamay ko ng awtomatiko sa dibdib ko dahil sa nerbyos. It's a do or die situation.

Huminga ako ng malalim at saka ko inimik sa sarili ko, "You need to Lian. You need to. Kausapin mo na ang kuya mo. Gawin mo na." Paalala ko sa sarili ko, kahit dinig at ramdam ko sa sarili kong tinig ang panginginig noon. Senyales na hindi pa talaga ako handa.

"Calm down." Saway ko pang muli, at saka lakas loob na pinihit ang knob at noong napihit ko na ito, para naman akong binawian ng lakas upang higitin ito para makalabas ako. Napahinga ako nang malalim dahil sa pagkainis. Naiinis ako sa sarili ko ngayon, wala talaga akong lakas ng loob, at kahit anong pilit ko sa utak ko na makakaya ko ito, ay siya namang kontra ng katawan ko.

I tried to muster all my strength and opened the door with eyes closed.

"Lian?" Halos tumakbo ata ang kaluluwa ko papalayo sa katawan ko noong bigla na lamang may tumawag sa pangalan ko at alam kong napakalapit noong umimik dahil dinig na dinig ko ang boses niya.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now