Liar 40: Twisted Danger

47.7K 1.1K 481
                                    

Twisted Peril
Third Person's POV

"Na saan ang nakatataas hukom?" Tanong nang isa sa pinakamakapangyarihang hukom sa kaniyang mga kasamahan. Walang tumugon sa kaniya at nanatiling tahimik ang apat pa niyang kasama. Nagtakha siya dahil doon. Kabago-bago pa lamang ng nakatalang ika-unang hukom na siyang namumuno ngayon ay nawawala na itong agad.

Galing pa sa ibang bansa ang naturang hukom kaya't mayroon siyang hindi nabalitaan sa nangyayari sa kanilang teritoryo noong mawala siya. Dahil walang nagsasalita sa mga kasama ay nagbanta ito sa kanila. "Catherine Servilla just declared a war and the black bloody rose." Maikling tugon nang isa sa kanila na siyang nakapagpatigil panandalian sa hukom.

Ang teritoryo ng mga Diablo ay mayroong limang hukom na siya nag-aayos ng mga grupo at mga mafia. Hindi sila nangingialam sa mga mafia wars pero sila ang nagiging hurado sa kung sino ang tatanggalan ng karapatan at puwesto sa mga labanang ito. Sila din ang tulay ng mga gustong maghiganti sa tamang paraan.

Ang tinatawag na Y o ang ika-unang hukom ay ang tinatagurian nilang reyna na siya mismong namamahala sa buong teritoryo. Ang kasunod naman ay ang V o ang ikalawa na siyang tagapagpayo at mismong namamahala sa mga patakaran at batas. Ang ikatlo o ang Z ay siya namang nag-aasikaso sa mga yaman at ng buong nasasakupan. Ang ika-apat na hukom o kung tawagin ay Q ang siya namang taga-pangasiwa sa lahat nang may kinalaman sa mga grupo, at mga pagkalap ng impormasyon, na siya ding namamahala sa kung ituring nila ay militar ng teritoryo. At ang huli ay ang tinatawag nilang VY. Ang tanging hukom na may karapatan tanggalin sa pusisyon ang iba pang hukom na nasa pusisyon. Ang hukom na ito ay hindi man ganoon kalakas sa pisikalan katulad ng tinaguriang Y, ay may mataas paring kapangyarihan, ang angkan nito ang nagtayo ng Diablo's Territory, kaya't siya ang may karapatang magtanggal o magpalit ng mga hukom.

Ang ika-limang hukom na iyon ay siyang nawala noong mga nakaraang linggo.

"Pinahintulutan ninyo ang ika-una sa kaniyang ninais?" Agad na pagkukuwestiyon nito at patukoy kay Catherine Servilla. "Kauupo pa lamang niya sa kaniyang pusisyon noong nakaraang mga buwan ay nagpadalos-dalos na siya at idadamay pa niya ang ating teritoryo?" Seryosong tanong nito sa malalim na tinig.

Nakaramdam ng kakarampot na tensyon ang tatlong hukom. Pakiramdam nila ay may nagawa silang kamalian kahit ang ginawa lamang naman talaga nila ay sinunod ang nakakataas sa kanila bilang hukom.

Napa-upo nang ayos ang natitirang tatlong hukom at saka napatingin sa isa't-isa. "Hindi namin siya mapipigilan, ika-lima. Siya ang bagong reyna." Tugon nang ikatlo.
"Kung ganoon ay sino ang kaniyang kinakalaban?" Tanong nang ika-lima.

"Ang grupo nang Apokalipto." Ani nang ika-apat.

"Hindi ba at sila ang grupo na umaapela laban sa Imperyo?" Paglilinaw nang ika-lima. Agad tumango ang tatlo, para kumirmahin ito.

"Anong nangyari sa kanilang pinaglalaban?" Hindi nito naabutan ang mismong diskusyon tungkol sa kasong ito dahil nasa ibang bansa na siya noong pagkakataong iyon. Hindi din nito pinagkaabalahang paki-alaman pa ang kaso dahil gusto niyang makita kung paano mamamahala ang bago nilang reyna.

"Gusto nilang tayo na mismo ang gumiba sa Imperyo, at parusahan ang Yobbo." Tugon nang ikatlo.

"Hindi ba at si ika-una (Catherine) ang pinuno noon." Saad nito. "Anong nangyari?" Kuryosong tanong nito.

"Kulang ang ibendensyang naiprisinta ng grupo, kaya't ipinagsawalang bisa ko ang apela. Sumang-ayon din si ika-una." Sagot sa kanila nang ikalawa.

Matagal nang kilala ng ika-lima ang ikalawa kaya't tiwala siya sa disisyon nito. Kahit papaano ay alam niyang nasa maayos na kalagayan ang kanilang nasasakupan at lalo lamang magiging makapangyarihan ang kanilang bantayog kapag nanalo sa labanan ang Imperyo. Hindi din siya nangangamba dahil alam niya na napakalakas ni Catherine Servilla at hindi ito basta basta mapapatumba lalo na at siya ang hinirang na bagong reyna.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now