Liar 17: Battle

78.3K 1.9K 392
                                    

Princess Light's POV

Marahan at maingat naming sinundan ni Gab iyong lalaki. Habang sinusandan namin siya, hindi ko maiwasan mag-isip kung sino siya at anong kailangan niya sa amin. Ngunit, isa lamang ang sinisigurado ko, mali ang kinakalaban niya at napaka-liit na lamang ng tyansa niyang maka-takas sa amin ng buhay mula sa amin.

Habang nag-lalakad palabas ng bar na ito, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid, parang mayroon pa ring nakatingin sa akin—sa amin. At sa mga pagkakataong iyon, alam kong hindi din basta basta ang kalaban namin.

"That guy seems familiar." Narinig kong bulong ni Gab. Napa-kunot noo naman ako dahil doon. Pamilyar ang lalaking iyon? Ibig sabihin maaring sa Empire ito nanggaling? Subalit, papaano? Alam kong maingat si Gab at hindi siya basta basta masusundan, kaya't sino ba talaga itong sumusunod sa amin?

Patuloy lamang kami sa paglalakad at kapag nalingon iyong lalaki, ginagawa namin ang lahat upang hindi kami mahalata. Matapos niyang tumingin sa likod, napansin ko na may tila umuusok mula sa kaniya, mukhang nag-sisigarilyo siya ngayon.

Matalas ko pa din siyang pinag-masdan, at sinigurado ko na kahit anong galaw niya hindi makakatakas sa akin. Habang patuloy siyang nag-lalakad, tumalon ako sa kabilang daanan, para sana masabayan siya sa paglalakad, ngunit may halaman na pag-itan iyong daanan namin.

Hindi naman ako pinigilan ni Gab doon, dahil alam niyang mas makakatulong iyon para hindi kami ganoon kahalata. Kahit medyo may kalayuan siya sa akin, kitang kita ko ang mabilis na pagkalikot niya sa isang umiilaw na bagay, at sigurado akong telepono iyon.

Binilisan ko pa ang lakad ko upang magkasabay kami, at noong malapit na ako sa kaniya, parang dahan-dahan kong nakita ang pag-taas ang isang sulok ng kaniyang labi at kasabay noon ang mabilis na pagtakbo at pag-hagis niya ng sigarilyo sa akin.

"Bitch." Narinig ko pa ang pirming saad niya sa akin ng katagang iyon. Noong tumakbo siya, mabilis na sumunod sa kaniya si Gab at ganoon din ako. Hindi ko akalain na mabilis niya kaming matatakasan at nahalata pa namin ang maingat na galaw namin.

Hindi basta bastang labanan ang magaganap ngayong gabi.

Maraming matang sumusunod sa amin, dahil na din sa pagtakbo naming tatlo, ngunit hindi na namin inalintana iyon at dire-diretso lamang kami sa aming ginagawa. Mabilis at magaslaw kumilos iyong lalaki, halata mong pulido ang galaw niya at matalino ang pinag-gagawa niya.

Ang pinagtaka ko lamang ay kung bakit parang hininayaan niya kanina na mahuli namin siya. It's like he's luring us into something. Iyong tipong akala mo ikaw ang may hawak ng pangyayari, pero sa huli ikaw lang pala ang napapaikot. Iyon ang nararamdaman ko ngayon.

Ngunit... Kayang kaya kong baliktarin ang mga pangyayaring ito. Bawat kilos ko, maingat at may naka-ambang pakontra sa kung ano mang panganib na maari kong kaharapin.

Hindi nag-tagal napapunta kami sa isang lugar na madilim at punong puno ng malalaki at matatayog na puno. Wala na ding tao dito, at parang nasa gubat na kami. Wala kang ingay na maririnig mula sa resort, tanging tunog lamang ng mga insekto at ihip ng hangin ang maririnig mo. At hindi ko na din makita iyong lalaking sinusundan namin.

"Be careful. He's hiding somewhere." Gab said while moving towards a big tree. Kita ko ang ngisi sa labi ni Gab kahit madilim ngayon dito. Alam kong peke ang babalang sinabi niya sa akin, dahil alam na niya ang kinaroroonan noong lalaki.

Ginamit lamang niya ang mga salitang iyon upang makampante iyong lalaki sa pekeng babala. Nag-labas si Gab ng isang balisong at mabilis na sinugod iyong lalaki, nakita kong lumabas sa lungga niya iyong lalaki at mabilis na sinagga ang bawat atake ni Gab.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now