Liar 9: First Move

69K 2K 769
                                    

Princess Light's POV

Nanatili akong nakatulala habang nakatitig siya sa akin. Walang mabakas na kahit anong emosyon sa mukha niya... dahil doon unti-unting sumilay ang ngisi sa mga labi ko.

Magaling.

Nakabawi din ako mula sa pagkakabigla at kabang nararamdaman ko. Hindi ko akalain na may isang tao pa palang maaring makapagdulot sa akin ng ganitong pakiramdam. Tinitigan ko din siya na tila ba hindi ko siya kilala.

Kahit pala sinabi ko noon sa sarili ko na wala na akong paki-alam sa kaniya, kakainin ko din pala ang mga salitang iyon ngayong kaharap ko na siya.

Nakita ko ang marahang pagtaas ng sulok ng kaniyang labi at kasabay noon ang malakas na pagbasak ng ulan. Kahit nababasa na ako ng kauntian, hindi ko iyon inalintana. Tinitigan ko din siya ng malamig.

"Ms. Rivera, or should I call you Ms. Smith?" Halos kumabog nanaman ang puso ko sa dibdib ko dahil sa matapang at malalim niyang boses. Ang boses na iyon, hindi na nagbago... nanatili pa ding mapaglaro subalit napaka-misteryoso.

"Aren't you too formal, Mr. Evans? Or should I call you, Nathaniel?" I countered emotionlessly, dahil ata sa sinabi ko humakbang pa siya papalapit sa akin, samantalang ako ay nanatili sa kinatatayuan ko na nakatayo na tila ba walang kinakatakutan, kahit isang demonyo ang kaharap ko.

Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin at saka siya tumawa na parang nang-aasar. Napahigpit ang hawak ko sa payong dahil doon. Muli, humangin nanaman ng malakas at napalad noon ng kauntian ang buhok ko.

Hahawiin ko na sana iyon gamit ang kamay ko, ngunit nagulat ako noong may ibang kamay ang gumawa noon. Fuck. Pakiramdam ko naalerto ang buong sistema ko subalit naging kabaligtaran noon ang kilos ng katawan ko. Nanatili akong walang kakilos kilos... nabato ako sa kinatatayuan ko.

Lumapat nang marahan ang malambot niyang palad sa pisngi ko. Pakiramdam ko libo libong kuryente ang biglang kumiliti sa katawan ko. Damn. "Mr. Nathaniel Gabriel Evans." Narinig ko bigla ang mapagbantang boses ni Kurt.

Subalit wala atang narinig si Gab at nanatili siyang nakatitig sa mga mata ko. Ngayon ko lang din napansin na wala na siyang payong dahil nakabagsak na iyon sa lupa. Nababasa na siya ng ulan ngunit halata mong wala siyang paki-alam doon.

"Princess Light Smith." Hindi ko maiwasan mapa-mura sa isip ko dahil sa mapaglarong bigkas ni Gab sa pangalan ko. Hindi pa ata siya nakuntento at unti-unting lumandas ang palad niya sa baba ko at saka niya iyon itinaas ng bahagya.

Nahigop ko ata ang hininga ko dahil doon. Ang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. Para hindi ako makahinga bigla. Nakatitig siya sa mga mata ko kaya naman napatitig din ako sa mga itim at nakakaintimidate niyang mata. Kakaibang aura ang mararamdaman mo mula sa kaniya.

"Pwede bang bitawan mo si Riyah?" Sabat ni Kurt at saka hinawakan sa balikat si Gab-gab. Imbis na pagtuunan ng pansin ang ginawa ni Kurt, I just heard him snorted.

"Kurt." Madiing bigkas ko. "Huwag kang maki-alam." Dugtong ko pa. Narinig ko ang pagmumura niya dahil sa sinabi ko, ngunit kahit labag sa loob niya wala siyang nagawa kundi bitawan si Gab.

"Anong kailangan mo?" Baling ko naman ng pansin kay Gab. Ngumiti nanaman siya noong marinig ang tinig ko.

"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko." Damn it. Hindi ko alam, pero sapat na ang mga salitang iyon para tanggalin ko ang kamay niya sa mukha ko, at saka ako pa-simpleng umiwas ng tingin.

Ramdam na ramdam ko ang intense na pakiramdam na bumabalot sa amin kahit naulan ngayon. Lumayo nang bahagya sa akin ni Gab dahil sa ginawa ko. Nauulan na siya ng tuluyan dahil sa ginawa niya.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now