Liar 49: The Story of Us

33.6K 938 351
                                    

49: The Story of Us
Princess Light's POV

Several years later...

"Ayos ka lamang, Incess? Uminom ka muna ng tubig oh." Inabot sa akin ni Lian ang isang baso na naglalaman ng tubig kaagad ko namang tinanggap iyon at saka ako uminom. Ramdam na ramdam ko ang haplos noon sa aking lalamunan at kahit papaano ay naghatid iyon sa akin ng banayad na pakiramdam.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong naman sa akin ni Annicka. Halatang halata ang pagiging kuryoso, pati na din ang pag-aalala. Kahit hindi niya maintindihan ng lubusan ang nangyayari ay nanatili siyang maalalahanin.

"Oo nga, bakit ba kasi kayo nag-away at humantong sa ganito?" Tanong naman ni Shana na umupo sa tabi ni Lian na nasa katapatan namin nina Annicka. Nakakahiya tuloy kay Shana, imbis na nagpapahinga siya napunta pa siya dito sa bahay namin.

"Bakit ka ba nilayasan ni kuya Nate?" Nag-aalinlangan pa si Lian na nasambitin ang bagay na iyon at napakahina ng boses na para bang ayaw banggitin ang sinabi niya pero kailangang itanong. Napabuntong hininga ako dahil doon.

"Hindi ako nilayasan, pinalayas ko." Sagot ko naman sa kaniya nang walang pag-aalinlangan.

Biglang tumawa si Alyx dahil sa sinabi ko. Kahit sina Shana na kanina ay seryoso ay biglang nahimasmasan. "Akala ko talaga nilayasan ka." Iiling iling na sabi ni Annicka, kahit papaano nawala sa himig ang pag-aalala.

"Adik adik din talaga iyang kuya mo Lian. Sinabihan lamang ni Incess na lumayas sumunod talaga. Under na under." Natatawang komento ni Alyx. Napatawa naman si Lian dahil doon.

"Mga baliw, seryosong usapan gagawin ninyong katatawanan." Napapilig ng ulo niya si Shana dahil sa biglang nangyari, pero tiningnan ako nang nagtatanong dahil hindi pa din malinaw ang lahat.

"Matuwa ka Shana, under din naman ang asawa mong si JJ sa iyo, tatawanan ka din namin kapag lumayas si JJ at iyon pala ay dahil sa sinabi mo lamang." Ganti naman ni Alyx sa sinabi ni Shana.

"Si Blaze? Lalayasan ako? Baka ipatapon ko siya sa bundok, kapag sinunod niya ang sinabi kong ganoon." Maangas na tugon ni Shana kay Alyx.

Kasal na si Shana at JJ tatlong taon na ang nakakaraan. Sila ang naunang ikasal sa barkada pwera kami ni Gabriel. Kagagaling din lamang ni Shana at JJ sa bakasyon at kauuwi lamang kahapon, pero nandito na siya sa bahay namin ni Gab Gab dahil nga lumayas ang magaling kong asawa. Tsk.

"Syempre, buhay mag-asawa kaya ganoon. Mag-aadjust kayo sa isa't-isa kaya hindi maiiwasan ang away. Kayo nga Alyx at Thon Thon, noong bagong kasal pa lamang kayo, halos araw araw kaming nasa bahay mo dahil sa reklamo mo kay Thon Thon." Natatawang tugon naman ni Lian sa usapan.

"Oo nga, asar iyang si Alyx ang lakas ng topak, pwede namang kausapin si Thon Thon tungkol sa mga isyu niya sa kaniya hindi pa masabi sabi. Ikaw yata ang under sa inyo." Asar ni Shana kay Alyx. Dinilaan naman siya ni Alyx.

"Ako na naman ang nakita ninyo. Iyang si Annicka naman ang lokohin ninyo." Sambit pa ni Alyx.

"Ay hala, bakit sa akin napunta?" Namumulang sabi ni Annicka. Si Annicka at Skyler ay ikinasal dalawang taon na ang nakakaraan. Simula noong ikasal si Shana at JJ, nagsimula na din pala ang planong pagpapakasal nina Annicka at Skyler, pati na din ni Alyx at Thon Thon.

Sa magkaparehas na taon ikinasal si Annicka at Skyler, pati si Alyx at Thon Thon. Sobrang gulo at sobrang tindi noong taon na iyon dahil sa unang bahagi puro si Alyx at Thon Thon pagkatapos ng ilang buwan si Annicka at Skyler naman. Malay ko ba sa mga iyan nagmamadali yatang maikasal. Hindi ko naman sila masisisi, matagal na nilang plano iyon at tamang oras na lamang ang hinihintay nila.

Liars CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon