Liar 3: Sei

86.5K 2.2K 557
                                    

Unti-unting sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ko, matapos kong mabasa ang invitation na iyon. “Kailan mo pa ito natanggap?” Mahina ngunit mapanganib na tanong ko kay Kuya Thunder. Alam kong mangyayari at mangyayari ang bagay na ito, ngunit hindi ko akalain na ganito kabilis.

“Kanina lang, kaya nahuli ako ng dating dito.” He explained firmly. Mahigpit kong hinawakan ang invitation na iyon, at saka ako nag-labas ng lighter. Sumiklab doon ang maliit na apoy noong gamitin ko iyon. Unti-unti kong inilapit ang invitation doon, at tila nag-ningning ang mga mata ko noong makita ko iyong unti-unti iyong tinutupok ng apoy. Hindi nagtagal umapoy iyon ng tuluyan at lumalagpak ang abo mula doon. Hanggang sa bitiwan ko iyon at noong halos apoy na lang ang natira, ay inapakan ko na ito.

“Tss.” Mahinang usal ko. 2 weeks from now, gaganapin na ang wedding na iyon. Pumunta kaya ako doon o huwag na? Tsk, nakakawalangana naman ang wedding mas gugustuhin ko pang pumunta sa patayan. Tsk.

“So anong plano?” Bilang tanong ni Kuya Thunder, nag-kibit balikat ako dahil sa tanong niya. “You can go wherever you want, I’ll stay here as a sniper. At saka, pakitawagan ako kapag nasa arena na si Tiara, I’ll watch her battle.” Seryosong pahayag ko, pakiramdam ko tumango naman si Kuya Thunder at saka ko naramdamang umalis na siya.

Bumalik naman ako sa pusisyon ko kanina at tiningnan ang ibaba gamit ang telescope. Halos umuusok ang buong lugar at patuloy kong naririnig ang mga putok ng baril pati na rin ang ingay ng sasakyan at marami pang iba. Napa-iling na lamang ako, at napatingin sa madilim na langit.

I guess, being ruthless and merciless is my only choice. Huminga ako ng malalim at saka nag-simulang gamitin ang espesyal na baril na ito. Hindi ko alam kung ilan iyong pinatamaan ako, tuloy tuloy lang ako kapag may nakikita ako. Hindi ko rin alam kung bakit, ang higpit ng hawak ko sa baril na ito. Marahil ay dahil sa inis na nararamdaman ko.

Hindi nagtagal umalis na ako doon, at bumababa sa building. Tumawag din ako ng ilang tauhan upang, ayusin nila ang iniwan kong gamit doon. Noong makababa ako, may mangilan ngilan akong nakalaban, ngunit lahat sila ay walang kahirap hirap kong pinutol ang hininga.

Nagtatago ako sa dilim noong maramdaman kong mag-vibrate ang telepono ko, kaya’t tiningnan ko iyon. Nag-sisimula na si Tiara. Iyon ang sabi ni Kuya Thunder sa text niya.

Mabilis akong nakakita ng motor at mabilis ko iyong pinaandar, mabuti naman at hindi ko na kailangan ng susi, mukang naiwan ng isa sa mga napatay dito. Pinaharurot ko iyon hanggang nakarating ako sa arena. Doon ko nakita ang napakaraming halos nagwawalang mga gangsters at ilang mafias.

Nakita ko rin sa stage si Tiara na nakikipaglaban sa mga gang leaders. Mabilis ang kilos nito tulad ng inaasahan. Hindi pa rin nito ginagalaw ang katana na nasa likod niya, tangging katawan pa lamang ang gamit niya. Ibig sabihin hindi pa niya ginagamit ang kahit kalahating pwersa niya. Napangisi naman ako doon, at tahimik na nagtago sa isang tabi dito sa loob.

Punong puno ng dugo ang paligid ang ingay ingay at puro sigawan. Ilang sandali lang naramdaman kong may tumabi sa’kin, kaya mabilis ko iyong sinakal sa leeg at tinutulan ng kutsilyo. “Fuck, Riyah. It’s me.” Napataas ang kilay ko noong marinig ko ang boses. Si Kurt, tss. Bakit ba naman kasi lagi na lang sumusulpot ito ng ganito. Tsk. Konti na lang talaga mapapatay ko na ang lalaking ito.

“Why are you here?” Walang kagana-ganang tanong ko habang nakatingin sa stage kung saan napakaraming laban ang nagaganap. Naramdaman kong nagkibit bakikat si Kurt.

“Gusto ko panuodin si Tiara. Masama?” Maangas na tanong niya. I just rolled my eyes, at hindi ko na siya pinansin. Patuloy kong tiningnan ang labang nagaganap. Madugo, brutal, mabilis, at wala kang makikitang awa sa mata ng kahit sino. Isa sa mga labang gustong gusto kong makita. I love tgis kind of battle, the battle of the monsters who aim for their enemy’s blood. Terrifying battle, which will kill you of you are weak.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now