Liar 30: Flashback I

59.7K 1.5K 500
                                    

30: Flashbacks (Part I)
Lian Analiz' POV

Napatulala ako kay Kurt noong sabihin nga nito ang tunay na pangalan ni Dos. Hindi ko pa din lubos maisip na napakaliit talaga ng mundong ginagalawan namin. Aaminin kong kinilabutan pa ako bigla dahil sa pagkakakumpirma ko kanina kung sino nga siya.

Si Takashi Ishido, o ang tinatawag naming Shinichi noon. Kung bakit naging Shinichi ang tawag namin sa kaniya? Iyon ay dahil kay Empress. Siya ang gumawa ng palayaw na iyon kay Ishido...

...at sino siya sa buhay ni Empress? Siya lang naman ang torpeng lalaki na minahal ng palihim ang kaibigan naming si Empress.

Hindi ko din alam kung bakit hindi niya maamin amin noon kay Empress ang nararamdaman niya, samantalang ang bruha naming kaibigan noon ay todo paramdam na sa kaniya. Hindi ko din alam kung matutuwa ba ako ngayon o makakaramdam ng matinding panghihinayang.

Hindi ko akalain na kahit wala na si Empress sa mundong ito ay magagawa pa din niya kaming pagsamasamahin, na magagawa pa din niya kaming buuin. Masyado na kaming pinaglalaruan ng tadhana na parang minsan hindi mo na alam kung alin ang totoo sa hindi sa mga pangyayari. The fate is playing with us real well.

"Lian!" Noong may tumawag lamang sa pangalan ko ay doon lamang ako natauhan at doon ko nakita si Kurt na winawagayway ang kaniyang kamay sa harapan ng mukha ko. Napaatras pa ako nang kaunti dahil sa gulat at saka kumurap kurap.

"Ayos ka lamang ba?" Tanong niya. Wala sa sarili naman akong napatango.

"Kurt." Malumanay na tawag ko sa kaniya. Itinaas naman niya ang kaliwang kilay niya senyales ng pagtatakha dahil kanina lamang ay nakatulala ako pagkatapos ngayon ay may tingin na akong parang interesadong interesado sa mga bagay bagay.

"Kurt si Shinichi—I mean si Dos ang isa sa dahilan kung bakit nabuo ang Apocalypse, hindi ba?" Mabilis na tanong ko sa kaniya upang makumpirma ang aking hinala. Dahil napaka-imposible naman na si Empress ang bubuo ng Apocalypse. Maaring si Empress ang dahilan, pero upang pisikal na buuin ang grupong ito... iyon ang hindi kapani-paniwala.

"Maliban kay Thunder na siyang nagbigay ng legendaries kay Riyah. Oo, si dos talaga ang pangunahing susi kung paano nagsimula ang lahat. Siya ang nagpakilala kay Riyah sa mga iba pang leader ng Apocalypse." Matuwid niyang bigkas at saka ako tiningnan ng mapaglaro.

"Matalino ka Lian, ikaw na ang bahalang mag-isip kung paanong may kinalaman ang kakambal ni Riyah dito." At matapos niyang sabihin iyon ay iniwan na lamang niya akong mag-isa sa kusina.

Sapat na iyong sinabi ni Kurt para mapagtagpi tagpi ko ang mga pangyayari. Hindi din pati kilala ni Kurt si Shinichi, dahil nakilala lamang namin si Kurt, Vianca at Dennise noong si Ayah o Princess na ang kasama namin at hindi na si Empress.

At ang ibig sabihin lamang noon ay sa loob ng lampas isang taon na nawala si Princess sa paningin namin ay siya namang pagsisimula niyang maghanap ng mga nararapat na tao para sa itinayo niyang organisasyon, at kahit gaano pa kalawak ang abot ng kapangyarihan at awtoridad ni Princess kailangan pa din niya ng tulong.

At kung hindi ako nagkakamali ay ang pinaka naging tulong niya ay si Shinichi.

Dali dali akong tumakbo sa kung saang parte ng masyon para hagilapin si Shinichi. Gusto ko man siyang tuksuhin gaya ng nakagawian dati ay hindi ko na iyon magawa ngayon dahil sa pusisyon niya dito at dahil na din alam kong isa itong sensitibong paksa sa amin dahil may kinalaman dito si Empress.

Halos magkanda ligaw ligaw ako dito sa mansyon pero ni anino o kahit hibla man lamang ng buhok ni Shinichi ay hindi ko mahanap hanap. Pagod na pagod na ako kaiikot subalit wala akong napala.

Liars CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon