Epilogue

51.4K 1K 253
                                    




Epilogue Part II: Making You Smile
Nathaniel Gabriel Evans's POV

Naalimpungatan ako noong maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatagos sa kurtina at tumatama sa may bandang mukha ko. Dahil sa pagkasilaw ay wala akong nagawa kung hindi ang bumangon para ayusin iyon. Inaantok pa ako, at saka hindi pa naman gising si Light, wala pang gumigising sa akin.

Bangag kong tinungo iyong bintana para ayusin ang kurtina doon at noong tuluyan kong maayos iyon ay tumingin ako sa hinihigaan ko at doon ko nakita ang mga anak ko na mahimbing pa ang tulog. Inilibot ko ang buong paningin sa kwarto pero walang anino ni Light.

Where is she? Napakunot noo ako doon at saka tuluyang naliwanagan noong mapagtanto na wala nga pa ito dahil nagbabakasyon kasama ang mga babae. Napalunok ako ng wala sa oras sa napagtanto.

Damn. I am really alone with my children.

Marahan akong naglakad iniiwasang magising sila, gustuhin ko mang halikan isa isa habang tulog pa ay hindi ko na lamang ginawa dahil sa takot na baka magising sila. Hindi magandang ideya na magising ang mga ito, paniguradong hindi ako makakapaghanda ng pagkain.

Marahan at maingat akong lumabas ng kwarto at siniguradong tulog pa ang mga ito. Dumiretso ako kaagad sa kusina para ayusin ang mga kailangang rekado para makapagluto na.

Mabilis ang kilos ko at siyempre iniiwasan ang sobrang ingay. Knowing Miracle. Mabilis magising ang isang iyon sa ingay, kahit napakalayo sa kaniya noong tunog. Malakas ang pandinig. May kapangyarihan yata ang isang iyon e, tsk, bukod sa pagiging invisible.

Nagsimula akong magluto ng pagkain nila. Iyong natitira akin na lamang siguro. Hindi naman ako nahirapan o natagalan dahil sanay na ako na ako ang nagluluto. Noong naglilihi kasi si Light sa triplets ay gusto niyang kinakain ay iyong luto ko lamang kaya naman sanay na sanay na ako.

Noong halos matatapos na ako ay bigla na lamang nag-ring ang cellphone ko. "Pards Gab!" Boses ni Tim Tim kaagad ang narinig ko. Mukhang gising na din ang isang iyon at magsisimula na ang umaga namin.

"Bakit?" Tanong ko, at saka ko binuksan iyong takip ng kaldero para tikman iyong niluto ko. Inipit ko sa balikat at tainga iyong telepono.

"May pagkain dyan?" Tanong niya sa akin. Napasinghal kaagad ako sa bungad niya. Huwag mong sabihing dadayo sila dito ng umagahan? Mamaya pa dapat kaming tanghalian magsasama sama para alagaan ang mga bata ah? Ang aga naman nitong isang ito.

"Magluto ka nang sa iyo." Sagot ko sa kaniya.

"Pards naman alam mo namang hindi kinakain noong mga prinsesa ko ang luto ko." Paniguradong problemadong problemado na ang isang ito. Lihim akong natawa. Magdusa ka. Malay ko ba kasi sa kapatid ko at hindi tinuruan magluto nang ayos ang isang ito.

"Paano kakainin noong mga iyon ay puro sunog, maalat, matabang ang luto mo." Natatawang sabi ko sa kaniya.

"Sige manlait ka pa. Didiretso kaming tatlo dyan, gising na sila." Hindi pa man ako nakakasagot ay binababa na niya ang tawag para hindi ako makaalma, ibang klase talaga, alam ang gagawin.

Napailing iling na lamang ako at saka tinapos ang niluluto ko. Naglabas ako ng mga mangkok para sa mga bata at inilagay ko na doon ang kakainin nila para medyo lumamig na.

Ilang saglit pa ay nadinig ko na ang doorbell at siguradong nandito na ang mag-aama noong kapatid ko. Patakbo akong dumiretso sa salas para pagbuksan sila. Wala pang ilang segundo ay narinig ko na ang dalawa.

"Tito Nate!" I heard Amythee. Kaagad ko siyang nginitian at saka binigyan ng yakap. Humalik ito sa akin sa pisngi.

"Hi, I am Biblee!" Masiglang masiglang pahayag ng pamangkin ko at saka masayang tumakbo papalapit sa akin. Nakakatuwa dahil parang manika ang dalawang batang ito.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now