74: Where are you?

75.6K 581 58
                                    

Goodeve! This chapter is dedicated to @EverdeensKitty. Thanks for reading. Godbless you!

A/N: ngayon napatunayan ko ng nakakaapekto pala ang mood sa paggawa ng story. =___= PLay the vid title HALF CRAZY by Freestyle.

----

Sorrow makes us very good or very bad.

(c) George Sand

PREVIEW:

"God knows how much I wanted to hug her, kiss her, be with her"

 

Chapter 74: Where are you?

Briel's POV

"Gabril salamat at nagising ka na, isang linggo ka naming hinintay.. Salamat!!" agad kong niyakap si Gab. Grabe sobrang namiss ko talaga sya.

Saglit akong natigil, para kasing may kakaiba. Maayos naman sya, pero parang nakaramdam ako ng kakaiba. Nakaupo sya sa kama habang nakatulala, nakatulala sa kawalan.

Inalis ko ang yakap ko sakanya, "Gab??" pero hindi sya sumagot. She's awak but still, she's unconscious.

Tumabi ako para bigyan ng pagkakataon si Mike, "Gab? Okay ka na ba? Namiss kita, miss na miss kita talaga" umiiyak siya habang yakap yakap ang kapatid ko pero walang reaksyon si Gabril, walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha nya. Hindi din sya gumanti ng yakap, nakatulala lang sya.

Nagulat kaming lahat sakanya, parang hindi na kasi sya ang kapatid ko, parang may nagbago. Buhay sya pero parang patay ang puso nya, para syang bato, para syang robot.

"Baby patawarin mo ako, patawad.. Sana, sana mapatawad mo pa ako." nakaluhod na si Mike sa harap nya pero wala pa rin syang reaksyon.

Nasaktan ako para sakanilang dalawa, bakit parang ang lupit lupit ng tadhana para sakanila? Mahal nila ang isa't isa pero bakit madaming humahadlang?

"Gab magsalita ka naman oh, parang awa mo na.. Nagaalala na talaga ako sayo, pakiusap Gabril" mangiyak ngiyak na si Mike pero wala pa ding salita ang lumabas sa bibig nya.

Lahat kame nakatangin lang sakanilang dalawa, parang nagkapalit sila ng sitwasyon. Dati si Mike ang walang puso, sya ang hinahabol, ngayon sya na ang nagmamakaawa.

"Mike baka kailangan lang ni Gab magpahinga, I think we should let her think." masakit sa loob kong iwan siya at alam kong ganun din si Mike pero wala kaming nagawa.

Lumabas kaming lahat, lahat kame umiiyak. Lahat kame nasasaktan. Bakit sya nagkaganun?

"Briel kasalanan ko 'to" nakayukong sabi nya. Lumapit ako at tinapik sya sa balikat, "No Mike, you never wish this to happen.." sabi ko pero wala yatang kahit anong salita ang makakapagpagaan ng loob nya.

Isang araw na syang gising pero isang araw na din syang tulala, isang araw na hindi nagsasalita, isang araw na parang hindi nya kami kilala. Nagaalala na ako, hindi nya kame kinakausap, ni hindi nga sya umiiyak eh. Hindi na namin sya maintindihan, kahit sila dad hindi nya din pinapansin.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon