Chapter 37 - The Escape.

21.6K 956 288
                                    


#NAFwp
Chapter 37


Nang magising ako ay agad akong napatingin sa orasan sa sidetable. Its 3 in the morning. "Fuck!" Mahinang mura ko nang magsink in sakin lahat nang nangyari kagabi.


Naramdaman ko ang bigat sa ibabang parte ng katawan ko. I looked down to see Ashton's leg over mine.


Doon nagumpisang mamasa ang mga mata ko. I can't believe I gave in that easily. I can't believe I did this. Damn, hindi ako makapaniwala na pumayag akong may mangyari samin. Hindi ako makapaniwala na ang dali niya akong nakuha. Ganun ganun lang. After all the bullcrap he gave me these past few days, nakuha niya agad ang gusto niyang makuha sakin.


Marahas kong pinunasan ang mga luha ko. Naangkin niya na naman ako. Ngayon malinaw na talaga, na sex lang ang habol niya sakin. I'm nothing but his fuck buddy. I'm all for his pleasure. Fuck it!


Inalis ko ang pagkakadantay niya sa akin at agad akong tumayo. Panay ang tulo ng luha ko habang pinupulot ko ang mga damit kong nagkalat sa buong kwarto niya. This is so frustrating!


Agad akong nagbihis dahil ayaw ko nang mas magtagal pa sa kwarto ni Ashton. This is just too much for me to take in.


Nang matapos ako magbihis ay kinuha ko ang sapatos ko at binitbit ko iyon. Sa baba ko nalang iyon susuotin dahil ayaw kong gumawa ng kahit anong ingay. I can't afford to wake this man up. It's better if I'll just leave him this way.


Lumapit ako sa kama niya at pinagmasdan ko siya habang mahimbing siyang natutulog. Oh how I love this man. Sa sobrang pagmamahal ko sakanya ay hindi na ako makapagisip ng tama. Pero alam kong kailangan ko itong gawin. This time, there's no turning back. This time, I'm all out. Hindi na ako pwedeng magpadalos-dalos dahil may anak na akong kailangan isipin. "I love you. But I'm done. And this time, for good." I whispered against his ear and kissed his forehead before finally leaving his room.


Madilim na ang buong bahay ng mga Stratford pagbaba ko. Akmang bubuksan ko ang front door nang kusa itong bumukas. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Trevor doon.


Mula sa pagkagulat ay agad na napalitan iyon ng matinding kirot sa dibdib ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sakin. "I've been looking everywhere for you." Puno ng concern ang boses niya.


Nagbagsakan na naman ang mga luha ko kaya naman agad niya akong hinapit para mayakap ng mahigpit. "Ang tanga ko, Trev. Ang tanga tanga ko. Bakit ang tanga tanga ko?" Paulit ulit kong sabi.


Ang tanga mo, Harmony. Hindi ka na talaga nadala. Hindi ka na natuto. He used you for his own pleasure, at para kang gaga na basta lang nagpagamit.


Inalalayan niya ako hanggang sa makasakay kami sa sasakyan niya. Hindi siya nagsalita at nagumpisa na siyang magmaneho. Panay ang tulo ng luha ko habang nagdrrive siya sa hindi ko alam kung saan dahil hindi naman ito ang daan papunta sa bahay namin. Pero wala na akong paki.


Hindi ko maiwasang hindi maisip ang mga katagang binitiwan na naman niya kagabi matapos ang nangyari samin.

Not A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon