Chapter 35 - The Mother.

24.5K 1K 431
                                    




#NAFwp
Chapter 35


"Yuck!" Sigaw ni Kam nang isubo ko yung pagkain ko.


I rolled my eyes heavenwards. "Ang arte mo! Masarap kaya 'to. Try mo dali." Sabi ko at sinawsaw ko ang isang slice ng green mango sa ketchup bago ko iyon iabot sakanya.


Umarte si Kam na parang nasusuka bago siya lumayo sakin ng bahagya. "Stop it, Harm! Ganyan ba talaga pag buntis? Ang weird ng kinakain mo." Aniya at nginuso ang hilaw na mangga at platito ng ketchup na pinahanda ko kay Yaya Nay kanina dahil bigla akong nagcrave dito.


"Baka ganyan din ako pag nagbuntis." Natatawang sabi ni Dom habang ka-Facetime namin siya ni Kam.


Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang tanong mabubuntis ka ba?" Taas kilay kong sabi at ngumisi.


Sumimangot ito kaya naman natawa ako. He's such a cutie! "Ang hard mo, girl, ah!" Aniya at inirapan ako. "Pero teka, akala mo madadaan mo ako sa ganyan ganyan mo. Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Anong plano mo sa tatay niyang angel sa tyan mo?" Aniya at sumeryoso na ito.


I shrugged. "Wala. Dahil wala naman akong planong ipaalam sakanya ang tungkol dito. And besides, he's getting married." Kibit balikat kong sabi at kumukha ulit ng mangga at sinawsaw ko ito sa ketchup. Damn, ang sarap!


Kahapon nang masabi ko lahat ng gusto kong sabihin kay Ashton ay agad ko siyang iniwan sa elevator. Hanggang makalabas ako ng building ay hindi na siya sumunod sakin. Hindi narin ako umasa na susunod pa siya. He made it pretty clear that he's still madly inlove with Bianca. Malinaw na malinaw ang pagkakasabi niya sakin na si Bianca noon, at siya parin hanggang ngayon.


Ngumiwi si Kam dahil halatang nandidiri ito sa kinakain ko pero hindi nalang siya umimik. Bahala siya sa buhay niya, ang sarap kaya neto. "So hahayaan mo nalang lumaki na walang kinikilalang daddy ang bata?" Seryoso at nakakatakot ang boses ni Dom. Too bad hindi ako natatakot.


Nagtaas ako ng kilay. "So what do you want me to do? Chase after him? Sabihin ko na buntis ako at panagutan niya ako. Tapos ano, papakasalan niya ako, and then he'd hate me and this baby for the rest of our lives. No, thank you. I think I deserve better than that." Bahagyang nabasag ang boses ko sa sinabi ko.


Fuck! I'm trying so hard to get through this pero tuwing maaalala ko yung mga sinabi ni Ashton sakin, hindi ko mapigilan maging emotional. Kasi umasa ako. Umasa ako na nang sabihin niya saking mahal niya ako, ay totoo iyon. That maybe, just maybe, what we had was real.


That's the problem with fairytale, they set a girl up for disappointment. Life is not a fairytale, but I'll confess, with Ashton, I craved for a fairy-tale ending, with all rainbows and unicorns.


Bumuntong hininga si Kam at hinawakan ang kamay ko. "We're not saying that you should beg for him. We just think it's unfair to the baby if he, or we dont know, she, would grow up without a father." Pagpapaliwanag niya.

Not A FairytaleWhere stories live. Discover now